^

PSN Showbiz

Milyun-milyon ang utang male celebrity na todo ang bodyguards noon, binabalik-balikan ng maniningil!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ilang buwan nang maraming nagiging bisita ang isang male personality sa kanilang bahay. Araw-araw ay may mga bumibisita sa kanya. Ayon sa kanilang mga kapitbahay ay maraming nagmamahal sa aktor dahil mula nang mawala siya sa puwesto ay hindi pa rin siya nakalimutan ng kanyang mga kaibigan.

Pero mali ang iniisip ng mga kapitbahay ng aktor, hindi pala mga kaibigan ang nakikisimpatya sa kanya ang madalas magpunta sa kanyang bahay, kundi mga maniningil.

“Nagkukumustahan kasi ang mga inutangan ni ____(pangalan ng male personality) kung nakasingil na, hindi nila maitatago ‘yun dahil magkakakilala naman kasi sila. ‘Yung mga OPM ng male personality, iisa, konting panahon na lang daw at makapagbabayad na siya,” kuwento ng aming source.

Nu’ng mga panahong ang kapaligiran ng aktor ay makinis at maayos ay nagpakabongga siya nang husto. Talagang ramdam ang kanyang presensiya kahit saan.

“Napakarami niyang bodyguards, may nagsusuot ng suit niya, may nagsusuklay ng hair niya, pupunta lang siya sa CR, akala mo giyera na ang pupuntahan niya dahil sa dami ng mga bodyguards niya.

“Bonggang-bongga ang lifestyle ng pamilya niya, gastos dito at gastos du’n ang ginagawa niya, kinabog nga niya ang mga pinsan niya na mas may kakayahang magpabongga kesa sa kanya!” dagdag na kuwento pa ng aming impormante.

Labas-masok ngayon ang mga maniningil sa kanyang bahay. Milyun-milyon ang sinisingil sa kanya. Puro pangako lang ang isinasagot ng aktor sa kanyang mga Manilyn (read: maniningil).

Meron siyang ibinibigay na garantiya na malapit na siyang makabangon. Ilang panahon na lang daw at mababayaran na niya ang lahat-lahat ng kanyang mga obligasyon.

Ano kaya ang hinihintay ng kilalang male personality na ito? Pasko? Eleksiyon? Ubos na ubos!

Makakahawak-kamay ni Roxas inaabangan na!

Naitaas na ni Pangulong Noynoy Aquino ang kanang kamay ni DILG Secretary Mar Roxas bilang opisyal na kandidato sa panguluhan ng partido Liberal. Sa kumpas ng “Roxas na! Roxas na!” ay nagbunyi ang mga kaalyado ng partido.

Madaling unawain ang pagiging emosyonal ng dakilang ina ni Kuyang Mar na si Tita Judy Araneta Roxas, sa mismong lugar din kasing ‘yun nu’ng 2010 kinailangang magbigay-puwang ang kanyang anak sa kandidatura ni P-Noy, nagkabaligtaran ang kanilang tinakbuhang posisyon.

Nagluksa ang pamilya Araneta-Roxas, nagdilim ang kanilang paligid, lalo na nang talunin ni VP Jejomar Binay ang mister ni Korina Sanchez.

Pero hindi naging dahilan ‘yun para bumaklas si Secretary Mar Roxas sa poder ng pangulo. Nag­serbisyo siya nang tapat. Ang dami-dami nang nagsasabing para bumango ang kanyang pangalan ay wala siyang ibang gagawin kundi ang lumayo na kay P-Noy, lalo na nu’ng kasagsagan ng usapin ng SAF-44, pero nanatili si Kuyang Mar sa tabi ng kanyang pangulo.

Dapat lang naman at karapat-dapat na si Secretary Mar Roxas na ang maging kandidato sa panguluhan ng Liberal party. Sa dinami-dami na ng pananakit sa kanya, sa serbisyong mula sa puso na ibinigay niya sa administrasyon ni P-Noy, wala nang ibang dapat bitbitin ang partido Liberal kundi siya lang.

Premyo ang tawag du’n. Kapag may magandang ginagawa ang isang tao ay dapat lang siyang gawaran ng pasasalamat at parangal.

Ang inaabangan na lang ngayon ng ating mga kababayan ay kung sino ang makakahawak-kamay sa entablado de kampanya ni Kuyang Mar. Mara­ming pangalang lumalabas, may Cayetano, Trillanes, Robredo at Poe.

Sa kanilang lahat ay isang pangalan lang ang panalo, isang pangalan lang ang siguradong tatangkilikin ng sambayanang Pilipino—si Senadora Grace Poe.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ILANG

KANYANG

KUYANG MAR

LANG

MGA

NIYA

P-NOY

ROXAS

SECRETARY MAR ROXAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with