^

PSN Showbiz

Sarah lumipad pa-Cebu kasama si Mommy Divine, suportado si Matteo sa Ironman

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Wow, nasa Cebu pala si Sarah Geronimo para suportahan ang boyfriend na si Matteo Guidicelli na kasali sa gaganaping Cobra Ironman 70.3 Triathlon event sa nasabing lalawigan ngayong umaga.

Kaya naman nagbubunyi ang fans ng magkarelasyon. Sa Instagram ni Matteo ay nagkakagulo na sila kahapon nang makitang lilipad patungo ng Cebu si Sarah kasama ang ilang kaibigan, ang umano’y tita at ang kanyang mommy Divine.

Sana raw ay walang magdamot ng photos na magkasama ang dalawa sa Ironman.

Kaya tiyak na mas inspired si Matteo na tumakbo, mag-swimming at mag-bike sa gaganaping Ironman na sasalihan din ng ibang celebrities. Siyempre hindi lang siya kay Sarah kailangang magpa-impress.

Sa presence ni Sarah, maiuwi kaya ni Matteo ang championship prize ng triathlon event?

Hmmm, nangangamoy seryoso na nga ang relasyon nila.

Maalalang nabalitang nag-split na ang dalawa. Pero mabilis ang denial nina Matteo and Sarah.

At noon ngang birthday ni Sarah ay may special message pa ang actor na “I will do my best to fill your life with sincere limitless JOY. Things are not easy but with Love, everything is possible.”

Si Sarah naman ay nagbiro kamakailan na handa na siyang pakasal.

Anyway, naghahanda na si Sarah sa kanyang big concert this year na gaganapin sa Araneta Coliseum sa November 20. Maging guest kaya niya si Matteo?

Jadine kilig-kiligan pa rin kahit parang walang pahinga

Parang ilang araw nang walang pahinga sina James Reid and Nadine Lustre. Todo na ang promo nila para sa serye nilang On The Wings of Love na kinunan pa sa Amerika na dinirek ng box office director na si Antoinette Jadaone. Ipalalabas na ang On the Wings of Love this August sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Sa kani-kanilang Instagram account, nag-a-update sila at grabe parang maghapon silang walang tigil lalo na noong Biyernes.

Pero wala sa hitsura nila ang pagod, nakakakilig pa rin sila. Ngayong araw naman ay nasa ASAP ang JaDIne para sa big promo ng On The Wings of Love na sa trailer pa lang, parang ang ganda na ng istorya.

KC balik-asap

Speaking of ASAP, nakahanda na ang stage para sa back-to-back birthday production number nina Gary Valenciano at Lani Misalucha ngayong Linggo (August 2) sa nasabing programa.

Magpapatuloy din ang teleserye treats kasama ang cute cast ng Ningning. Pangungunahan naman nina Maja Salvador, Paulo Avelino, at Jericho Rosales  ang pagpapasalamat sa libu-libong tagasubaybay ng Bridges of Love.

May special performance din mula sa  The Love Affair lead star na si Bea Alonzo.
Samantala, saksihan ang panibagong Twitter tren­ding treat na hatid ng dance royalties na sina Maja at Enrique Gil. Hahataw naman sa Supahdance sina KC Concepcion, Kim Chiu, Shaina Magdayao, Rayver Cruz, Gerald Anderson, Arron Villaflor, Julia Barretto, Iñigo Pascual, at John Prats.

May surpresa ding hatid ang PBB All-In grand winner na si Daniel Matsunaga.  May special reunion din ang mga Kapamilya kids at teens mula noon hanggang ngayon. Makisayaw sa 80’s throwback party mula sa original cast ng Bagets sa pangunguna nina Raymond Lauchengco, Jobelle Salvador, Yayo Aguila, Cheska Iñigo at Gary V. Hindi rin magpapahuli ang 90’s Ang TV superstars na sina Jolina Magdangal, Maxene Magalona, Lindsay Custodio, Roselle Nava, Jan Marini, Gio Alvarez, John  at Carlo Aquino. Magpapakitang-gilas din ang mga Goin’ Bulilit graduates na sina Julia Montes, Jane Oineza, Miles Ocampo, Trina “Hopia” Legaspi, Mikylla Ramirez, Nikki Bagaporo, CJ Navato, Igi Boy Flores.

Kasama rin sa party ang Power teens na sina Grae Fernandez, Brace Arquiza, Joaquin Reyes, John Bermundo, Nash Aguas, Alexa Ilacad, Jairus Aquino at PBB 737 ex-housemates na sina  Barbie Imperial, Ryan James Bacalla, at Kyle Secades.

vuukle comment

ACIRC

ALEXA ILACAD

ANG

ANTOINETTE JADAONE

ARANETA COLISEUM

ARRON VILLAFLOR

ATILDE

BARBIE IMPERIAL

BEA ALONZO

MATTEO

SARAH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with