^

PSN Showbiz

Burado na raw at positive lang ang gustong isipin Marian naka-move on na sa mga kaaway

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Naging paboritong tambayan na ng mga celebrity ang bagong coffee shop sa Tomas Morato, Quezon City, ang Book and Borders Cafe.

Endorser dito sina Karylle Yuzon at Benjamin Alvez na parehong coffee drinker. Pero type na type raw nila ang ambience na parang library kung saan doon na rin sila nagbabasa ng script.

Kagaya ni Benjamin na malapit lang sa GMA 7, doon na raw siya nagpapalipas ng oras.

Namataan kaya doon si Benjamin na kasama si Glaiza de Castro?

Nali-link ngayon si Benjamin kay Glaiza, pero sabi ng Kapuso actor naging close lang daw sila ni Glaiza nang magsama sila sa Dading.

Tumulong si Benjamin sa pag-conceptualize sa album ni Glaiza dahil bilib naman daw siya sa talent ng aktres.

Hindi naman daw imposibleng maging sila ni Glaiza, pero depende naman daw sa Kapuso actress.

“Siguro tanungin ‘nyo muna siya, kung okay lang sa kanya,” pahayag ni Benjamin na bahagi rin ng bagong serye ng GMA 7 na Beautiful Strangers.

PAK: Nilinaw nina Alden Richards at Julie Anne San Jose na okay na raw talaga silang dalawa at nagkaayos na, kaya walang isyu naman sa kanilang dalawa ang pagsasama Sunday PinaSaya.

Pinagtabi pa sila nina Marian Rivera at AiAi delas Alas ng upuan, at pinaghalik pa silang dalawa. Nag-beso naman sila nang i-request ng reporters.

“Wala naman pong issue to begin with. Okay naman po kami ni Julie.

“It’s been two, three years na issue before….pero wala naman pong issue ngayon. Everything’s settled na po,” pahayag ni Alden.

Dagdag pa ni Marian, ang gusto lang daw nilang lahat sa Sunday PinaSaya ay masaya lang silang nagtatrabaho at walang ilangan.

“Ang importante kasi dito sa show, lahat kami dito close, lahat kami masaya,” sey naman ni Marian.

Nilinaw din ni Julie Anne na fan din daw siya ng AlDub tandem kaya baka mag-react naman ang mga fans nina Alden at Yaya Dub ng Eat Bulaga.

BOOM: Sabi naman ni Marian Rivera, hindi na rin isyu ang pagkikita nila ni Lovi Poe sa party ng YES! magazine dahil wala naman daw talaga.

“Sabi ko nga, tama na kasi ang tanda na namin. Especially ako na ang priority ko lang sa buhay ay maging mabuting asawa at mabuting ina. Siguro dun ako magpu-focus. Kung ano ang nangyari sa amin sa YES!, wala naman talagang problema. So, okay na ‘yun. Mas magandang maging positive na lang tayo at mag-move on,” saad ng GMA Primetime Queen.

Kaya kahit mag-guest sa Sunday PinaSaya si Lovi o kahit sinong mang nakaalitan noon ni Marian, wala raw problema sa kanya. Lahat daw ay welcome.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

BEAUTIFUL STRANGERS

BENJAMIN ALVEZ

BOOK AND BORDERS CAFE

DAW

GLAIZA

MARIAN RIVERA

NAMAN

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with