^

PSN Showbiz

Coco nanghihinayang kay Angeline

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Kamakailan ay kinumpirma ni Angeline Quinto na hindi na siya makakasama sa teleseryeng Ang Probinsyano katulad ng mga napabalita noon. Nalungkot at nanghinayang naman daw ang bida nitong si Coco Martin sa pagkakatanggal ni Angeline sa kanilang programa. “Nabalitaan ko nagkaproblema sa schedule. Kasi meron na siyang mga commitments abroad eh, nalungkot ako,” bungad ni Coco.

“Noong nalaman ko, kasi unang-una bagay na bagay talaga sa kanya ang proyekto. Nakakahinayang kasi hindi nag-match doon sa schedule niya,” dagdag pa ng aktor.

Ang nasabing proyekto ay remake ng pelikula noon ni Fernando Poe, Jr. at malapit na rin itong mapanood sa Kapamilya network.

Jericho ayaw pang anakan si Kim 

Nalalapit na ang pagtatapos ng teleseryeng Bridges of Love na pinagbibidahan nina Jericho Rosales, Paulo Avelino, at Maja Salvador. Hindi raw muna tatanggap ng soap opera si Jericho kapag natapos na ang taping ng kanilang programa. “Magpapahinga ako pero sandali lang. Gawa muna ako ng mga small projects, next year na lang ulit ‘yung TV. I’m suppose to do one more TV series, hindi na abot this year kasi September na eh. So next year na ‘yon,” pagbabahagi ni Jericho.

Umalis na rin daw ang aktor sa pangangalaga ng Cornerstone Management at ngayon ay Star Magic na lamang ang may hawak sa kanya. “Na-feel ko na I have to give more time sa acting career ko. And ‘yung stress sa set is giving my voice a hard time. I’m not really a balladeer, but more of an alternative rock. Siyempre singing pa rin ‘di ba? I just noticed na I don’t have much time for rehearsals and practice. Ayoko lang lumabas na half-baked. Kunyari lalabas ako sa ASAP then hindi at par ‘yung kaledad ng boses ko, ayaw ko lang mapulaan ako. So I have to sacrifice that for the meantime. Pero pagkatapos ng Bridges of Love ‘yon ang gagawin ko. I’m going to start singing again and then going to produce new album siguro, but with new musicians na rin siguro. Hindi ‘yung puro minus one na lang. tapos I’m going to go back to the band scene,” paliwanag ni Jericho.

Samantala, hanggang ngayon ay wala pa raw planong magkaroon ng anak ang aktor at asawang si Kim Jones. “Hindi rin muna. Hindi pa, medyo matagal pa siguro. Magbibiyahe-biyahe muna kami kaya wala pa muna,” giit ng aktor.

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG PROBINSYANO

ANGELINE QUINTO

BRIDGES OF LOVE

COCO MARTIN

CORNERSTONE MANAGEMENT

FERNANDO POE

HINDI

JERICHO ROSALES

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with