^

PSN Showbiz

Susan Roces pumiyok na sa bintang na pag-disqualify kay Sen. Grace!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaalalahanan pala ni Tita Susan Roces si Sen. Grace Poe nang magkita sila sa birthday ng una kamakailan na ‘not to lose herself’ lalo na ngayong mainit na ang usapan ng pulitika.

“Pinalaki kitang isang tapat na tao, maayos at marangal sa iyong pamilya at sa mga kasama mo. Kaya sa puntong ito ng buhay mo, huwag mong iwala ang sarili mo,” paalala umano ni Tita Susan na busy sa taping ng seryeng Probinsiyano sa anak na si Sen. Grace.

Mas mainit kasi ngayon ang usapan sa pulitika kesa sa mga intriga sa showbiz. Pinalalabas na parang hayok na hayok ang senadora sa mas mataas na posisyon.

Pero nagpahayag ang senadora na hindi siya atat na maging pangulo ng bansa. Dumating pa sa isyung kailangan niya pa raw magsinungaling sa kanyang residency at citizenship.

“Hindi po kaya ng konsensya ko ang manloko para lamang tumakbo sa mas mataas na posisyon.

“Hindi ko po inaambisyon ang ganoong posisyon na gagawin ko ang lahat para lang makamit ito,” pagdidiin ng senadora tungkol sa ibinibintang na isyu sa kanya.

Aniya, naghihinay-hinay siya at pinag-iisipang maigi ang magiging desisyon niya.

Naranasan na raw nila ang ganitong bagay nung kumandidato ang kanyang ama noong 2004.

“Napakahirap nang dinaanan ng tatay ko noong 2004. Hindi biro ‘yung kampanyang iyon. Kaya ako nag-iisip ng ganito dahil alam ko na ang pinagdaanan ng tatay ko,” pahayag ni Sen. Grace.

Kaya talagang nahihirapan nga raw kung ano ba talaga ang desisyon niya sa 2016 elections.

Nauna nang sinabi ni Sen. Grace na kinokonsidera rin niya ang saloobin ng kanyang pamilya sa isyu ng kanyang napapaulat na pagkandidato.

Pero ang dalawang nakatatandang anak daw naman niya ay hindi tutol dito.

“Pareho din sila nanga­ngarap na maging maayos ang ating bansa para rin sa kinabukasan nila. They want a country they can be proud of,” pahayag ng senador sa isang TV interview.

Ang kanyang bunso, na 11 years old lang, ay nanga­ngamba namang mawawalan siya ng oras sa kanila kung sakaling tumakbo ito para sa mas mataas na posisyon. 

Pero bukod sa kanyang pamilya, iniisip din ni Senator Grace kung ano ang magagawa niya para sa buong bayan kung sakaling siya ay kumandidato nga. Ayaw niya umano ng basta-basta sasabak sa pulitika ng walang ihahaing plataporma.

 “Manalo man o hindi, sasali ka sa isang eleksyon. Mayroon at mayroon pa ring susuporta sa iyo at ayaw mo namang iwaldas ang tiwala nila, na sasabak ka diyan na hindi ka naman magbibigay ng solusyon sa ating suliranin sa bayan. Kailangan ay handa ka,” sabi niya. 

So wait natin ang decision niya. Malaking responsibilidad nga naman ang susuungin niya.

Anyway, kahapon ay iniindorso na sa pagka-presidente si Sec. Mar Roxas ni P-Noy. So sila na nga kaya ang magkakalaban?

Marian ‘di muna priority ang ‘make love’

Natawa si Marian Rivera nang may nag-urirat sa kanya kung nagmi-make love pa sila ng asawang si Dingdong Dantes ngayong tatlong buwan na lang at manganganak na siya. Pahayag ng aktres na mangunguna sa programang PinaSaya with AiAi delas Alas hindi naman ganun ang asawa niya. “Parang kaloka naman ‘yon! Ang laki na ng tiyan mo, ganoon pa ang gagawin? After na lang!” tawa nang tawang sagot naman niya sa press launching ng PinaSaya last Thursday night.

“Alam ninyo, less priority namin ‘yon ngayon!” deklara pa ni Marian.

Mariel lovesick

May sakit pala si Mariel Rodriguez. Wala siyang sinasabing kung anong sakit pero nasa hospital pa hanggang ngayon. Lovesick lang daw at sobrang name-miss niya ang asawang si Ro­bin Padilla na pabalik na raw ng bansa.

Kagagaling lang ang European tour ni Mariel kasama ng asawa. Pero naiwan ang actor sa Spain.

                            

vuukle comment

ACIRC

ANG

DINGDONG DANTES

GRACE POE

HINDI

KAYA

MAR ROXAS

NBSP

NIYA

PERO

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with