^

PSN Showbiz

Aktres sobrang prangka, harap-harapang ipinahiya ang leading man

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Nakakaloka naman ang aktres na ito na leading lady sa isang drama series dahil nang tanungin kung paano niya minu-motivate ang sarili sa mga eksena nila ng kapareha, ang pangalan ng boyfriend na aktor ang kanyang binanggit.

Insulto naman ‘yun sa leading man ng aktres na mabuti at mabait at hindi na lang kumibo sa pang-pamamahiya sa kanya on national TV. For promo purposes at para mas marami pa ang maengganyo na panoorin ang drama series nila, sana sumakay ang aktres sa promo at ang kapareha ang binanggit.

Siguradong disappointed din sa kanya ang mga bossing ng TV na nagbibigay sa kanya ng show at hindi kami magugulat kung after ng soap niya ngayon, hindi muna siya bigyan ulit.

Andre hindi trip ang height ni Barbie

Ngayong Biyernes ang birthday ni Barbie Forteza, pero dahil may rehearsal siya para sa final episode ng Sunday All Stars, pagkatapos na nito ang dinner niya with her family. Hindi na rin natuloy ang unang plano niyang sleepover party with the tweens dahil na rin sa rehearsal ng SAS kung saan, birthday presentation ito ni Barbie.

Ginawang mas makabuluhan ni Barbie ang 18th birthday niya dahil sa kanyang Adopt-A-Room program para sa indigent patients ng Philippine Children’s Medical Center. Ipinakita ni Barbie sa AVP ang magiging ayos ng private room ‘pag natapos at gagastusan ng mula P300-P200,000. Ang kikitain mula sa ookupa sa kuwarto ay mapupunta sa charity patients.

Natawa pala kami sa kuwento ni Lolit Solis na nang una niyang banggitin kina Andre at Kobe Paras na sina Barbie at Bea Binene ang makaka-love team nila kung sa GMA Artist Center sila pipirma ng kontrata, pareho ang reaction ng magkapatid na “but they are small.” Kaso si Lolit din ang nasunod at hindi ito nagkamali.

Ryan may offer sa AXN

Ngayong araw ang meeting nina Ryan Agoncillo at manager nitong si Noel Ferrer sa mga taga-AXN para sa ino-offer nilang show. Excited ang TV host-actor na gawin ang show at sana nga ay matuloy dahil bagay sa kanya ang concept nito.

Kapag natuloy ang ino-offer na show kay Ryan, mapapanood na siya sa AXN channel. Ang bongga naman ng mister ni Judy Ann Santos!

vuukle comment

ANG

ARTIST CENTER

BARBIE

BARBIE FORTEZA

BEA BINENE

JUDY ANN SANTOS

KOBE PARAS

LOLIT SOLIS

MEDICAL CENTER

NGAYONG BIYERNES

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with