^

PSN Showbiz

Front lang ang party ng Kuya P-Noy... Kris umiiwas kina AiAi at Tates?!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Kahit nagkabati na ang dating mag-BFF (best friends forever) na sina Kris Aquino at AiAi delas Alas na nangyari mismo sa simbahan bago ang ceremonial rites ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera noong nakaraang December 30, 2014, hanggang ngayon ay patuloy pa ring naiintriga ang pagkakaibigan ng dalawa na mukhang hindi na naibalik sa dati.

Sa ika-15th year anniversary celebration ng YES! magazine kung saan nakatakda sanang bigyan ng parangal ang Presidential Sister bilang Most Beautiful Celebrity, hindi nakadalo si Kris dahil nagkaroon ng Aquino Family dinner pagkatapos ng huling State of the Nation Address (SONA) ng kanyang nakatatandang kapatid na si Pangulong Noynoy Aquino. Otherwise, kung nakarating siya, malamang na magkita-kita sila nina AiAi delas Alas at Tates Gana. Si Tates ang longtime partner ni QC Mayor Herbert Bautista kung kanino naugnay ang Queen of All Media.

Kung nakarating si Kris sa okasyon ng YES! magazine, malamang na nagkaroon ng dedmahan o ‘di kaya si Kris ang kusang lumapit kina AiAi at Tates dahil sigurado kaming hindi magi-effort ang dalawa na siyang lumapit kay Kris.

AiAi nahanap na ang ama ni Jiro

Kahit nariyan ang kinalakihang ama ng actor na si Jiro Manio na si Andrew Manio, ang Comedy Queen AiAi delas Alas muna ang tumatayong guardian ng young actor hanggang sa panahong kaya na nitong pangalagaan ang kanyang sarili.

Sa tulong ng mga kakilala at kaibigan ni AiAi na naka-base sa Japan ay na-trace na umano ang biological dad ni Jiro na may iba nang pamilya.

Ang paghaharap ni Yusuke Katakura at anak na ni Jiro ang pinakakaasam-asam na mangyari ng huli para matuldukan na ang kanyang longing na makilala ang kanyang biological father. At kapag ito’y nangyari, Jiro will be eternally indebted kay AiAi dahil sa sakripisyong ginagawa nito sa kanya kahit wala silang blood relation.

vuukle comment

AIAI

ANDREW MANIO

ANG

AQUINO FAMILY

COMEDY QUEEN

DINGDONG DANTES

HERBERT BAUTISTA

JIRO

JIRO MANIO

KRIS AQUINO

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with