^

PSN Showbiz

Enrique at Liza nasosobrahan na ang exposure?!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Bago pa tuluyang maligawan ni Enrique Gil si Liza Soberano ay baka sawa na sila sa isa’t isa. Baka maski silang dalawa ay umay na rin sa kanilang friendship na masasabing too close for comfort.

Wala pa silang project after Just The Way You Are pero umiikot na sila sa mga programa ng Kapamilya Network na sa halip na tamang exposure lamang ang makuha ay mukhang mao-overexpose pa sila.

Baka kapag nagsimula na sila ng pormal na promo for their next movie kung saan makakasama nila si Gerald Anderson ay uyam na ang mga tao sa kanila. Dapat alagaan sila ng mabuti para hindi sila pagsawaan ng tao.

Paano kung matuloy sa isang mas seryoso nang relasyon ang kanilang closeness?

Lovi tutok sa jiu jitsu ni Rocco

 Sinabi ni Lovi Poe na hindi siya insecure sa ginawang eksena nina Heart Evangelista at Rocco Nacino at naiintindihan niya na trabaho lang ‘yun.

Sa September ay sasama si Lovi kay Rocco sa Japan para sa isang jiu jitsu competition. Hindi dahil insecure siya o ayaw mawala ang boyfriend ng matagal sa paningin niya, gusto lang niyang makita kung paano ito makipaglaban sa isang sports competition.

Happy si Lovi sa relasyon nila ni Rocco. Gaano man ka-busy ay may panahon sila sa isa’t isa. Ngayong magkasama sila sa isang project, mas lalo pa silang magiging close. Unlike Lovi’s past relationships, walang gulo at intriga ang relasyon nila ni Rocco.

Enchong lumabas ang tunay na kulay 

Kung hindi napasok sa PBB (Pinoy Big Brother) si Enchong Dee ay hindi malalaman na gusto pala niyang maging leading lady si Julia Barretto. Isa pa rin pala siya sa maraming kalalakihan na nangangarap na makatrabaho ang pinakabatang miyembro ng pamilya Barretto na nag-artista. Isa ito sa napag-usapan nila ng iba pang housemates matapos mapayagan si Enchong na magamit na ang kanyang boses.

Nung Huwebes ay hindi sinasadyang lumabas sa mga labi niya ang mga salitang “Matino ang buhay ko, gumulo lamang dahil sa PBB” na maliwanag na nagsasaad ng kanyang damdamin na pinipilit pahupain ni Big Brother sa loob ng kanyang bahay. Ngayong nalalapit na ang pagwawakas ng edisyon mas mapapalagay na ang loob ni Kuya.

vuukle comment

ANG

BIG BROTHER

ENCHONG

ENCHONG DEE

ENRIQUE GIL

GERALD ANDERSON

LOVI

NBSP

ROCCO

SILA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with