^

PSN Showbiz

Regine nag-jeep para makipagtsikahan

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Isa sa tinilian nang husto sa nakaraang Kapuso Grand Fans Day na ginanap sa SM MOA Arena nung nakaraang Linggo ay si Regine Velasquez-Alcasid na bumirit para sa fans.

Doon na rin prinomote ng Asia’s Songbird ang ilang mga bagong mapapanood sa kanyang Sarap Diva.

Ang ilang bago na sinasabi niya ay mapapanood sa Sabado ng umaga kung saan kasama niya sina Betong at Dasuri Choi na sasakay sa jeepney kasabay ang ibang nagku-commute.

Mas nag-i-enjoy na si Regine sa mga bagong ginagawa niya sa Sarap Diva. Kaya masaya na siya kahit wala muna siyang drama series o ang iba pang regular show.

PAK: Napagkasunduan na pala ng mag-asawang Drew Arellano at Iya Villania na alas-nuwebe ng gabi, dapat nasa kama na sila.

Iyun daw talaga ang dapat na masunod basta wala lang out of town trip ang isa sa kanila.

“We really treasure our time together. We make it a point na we need to be at home on time, on particular time. We want to sleep early, it’s a habit na ‘yun.

“It’s great waking early in the morning, so we can cook together and we can do exercise,” pahayag ni Drew sa press launch ng bagong show niyang Home Foodie ng GMA 7 at ng San Miguel Pure Foods.

Sa August 10 na ito magsisimula pagkatapos ng Unang Hirit, mula Lunes hanggang Biyernes.

Sa August 15 naman ay magsisimula na rin ito sa oras ng Balitanghali.

BOOM: Ang latest na narinig namin, tuloy pa rin ang Wowowin at hindi pa ito matatapos.

May nai-tape pang isang episode para sa darating na Linggo pagkatapos ng huling episode ng Sunday All Stars.

Ang isa pang narinig namin ay makikipag-meeting daw si W­illie sa APT Entertainment para maayos ang programming kung saan susundan ng Wowowin ang bagong musical comedy-variety show na Sunday PinaSaya.

May dagdag pang kuwentong baka matuloy na rin ang matagal nang gusto ni Willie na gawing daily na ang Wowowin.

vuukle comment

ACIRC

ANG

DASURI CHOI

DREW ARELLANO

HOME FOODIE

IYA VILLANIA

KAPUSO GRAND FANS DAY

SA AUGUST

SARAP DIVA

STRONG

WOWOWIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with