^

PSN Showbiz

Dapat nang i-lifestyle check ng kanyang network: Kilalang male personality nakakalula ang investment samantalang kakapiranggot lang ang suweldo

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sa isang umpukan nu’ng minsan ay pinagkukuwentuhan ang isang male personality na kilalang-kilala na sa kanyang larangan. Dati’y isa lang siya sa marami, pero nagkaroon na siya ng pangalan nang kunin siya ng isang network, pangalawang pagkakataon na mukhang mauuwi sa wala kapag hindi binago ng male personality ang kanyang mga pinaggagagawa.

Sa kanilang istasyon ay madalas siyang maging dahilan ng mga bulung-bulungan. Kapag dumaraan siya ay tahimik na tahimik ang kapaligiran, pero oras na lumampas na siya, parang nag-ipun-ipo­n sa nasabing lugar ang mga bubuyog sa pagpipista sa kanya.

Isang source ang nagkomento, “Bakit kaya hindi imbestigahan ng istasyon nila ang taong ‘yun? Hindi naman kalakihan ang suweldo niya, pero look, nakakalula ang mga ini-invest nilang mag-asawa!”

Sa probinsiya kung saan nagmula ang lalaking perso­nalidad ay nagdududa na rin ang kanyang mga kababaryo kung saang minahan siya nakahukay ng ginto. Malalawak na bukirin na ang kanyang nabibili, nakapagpundar pa silang mag-asawa ng mga loteng pagtatayuan siguro ng kanilang mansiyon, may ipinatatayo pa silang malaking bahay ngayon sa isang kilalang subdivision.

Komento naman ng isang source, “Para na kasi siyang gadget na de-kuryente at de-baterya ngayon. AC-DC na siya. Attack and collect. Ang paborito na siguro niyang litanya ngayon, e, ‘Meron ba tayo d’yan?’

“Kailangang maghinay-hinay ang male personality na ‘yun, baka isang araw kasi, e, i-lifestyle check na siya ng network kung saan siya nagseserbisyo. Nakakagulat na kasi ang mga investments nilang mag-asawa,” napapailing na kuwento ng nagugulat ding source.

Ayon sa kanyang mga katrabaho ay nagpapanggap na Mr. Clean ang kila­lang male personality. Iba raw siya sa kanyang mga kakontemporaryo. Hindi raw bayad ang kanyang serbisyo.

Ubos!

Ginagawa lang rason ang timbang ABS-CBN wala nang plano kay Sharon?!

Ayaw kaming tantanan ng mga taong nagmamahal at nagmamalasakit kay Sharon Cuneta. Ano raw ba talaga ang plano ng ABS-CBN para sa Megastar sa kanyang pagbabalik sa istasyon?

Ang kuwento raw kasi ay kailangan munang magpapayat ni Sharon bago siya isalang sa isang malaking proyekto. Sobrang effort naman ang ginagawa ng singer-actress pero hindi pa raw sapat na dahilan ang kakapiranggot na naibagsak niyang timbang para magbida siya sa isang teleserye.

Pansamantala ay ginawa muna siyang judge sa isang talent search, pero hindi nasisiyahan ang kanyang mga tagahanga sa basta ganu’n lang, mas malaking proyekto ang inaasahan nilang ibibigay ng Dos sa kanilang idolo.

Nagpakatotoo ang isang kaibigan naming propesor sa kanyang saloobin tungkol sa sitwasyon ni Sharon, ang kanyang komento, “Let’s be factual! Kung ang pagpayat ni Sharon ang hihintayin ng Dos, e, mapapanghal sila sa kaaabang. Sharon is not getting any younger, mahihirapan na siyang ma-achieve ang weight na tina-target nila.

“Ginawa na niya ang lahat. Diet. Liposuction. Exercise. Pero wala pa rin, napakalaki pa rin niya, hindi nakita ng publiko ang sinasabi nilang thirty pounds na nawala raw sa kanya.

“Gumawa na lang sana ang network ng isang istoryang tailor-made for Sharon. ‘Yung hindi nangangailangan ng magandang katawan ang bida. Sa simula pa lang ng story, i-establish na nilang hirap na hirap ang bida sa laki ng kanyang figure, du’n nila paikutin ang kuwento.

“Dahil kung ang pagpayat ni Sharon ang idadahilan ng network sa hindi pa pagbibigay ng project kay Sharon, e, mapapanghal sila sa kahihintay.

“Ano ‘yun? Hihintayin nilang pumuti ang uwak at umitim ang tagak? E, ‘di wow!” doble ang talim na komento ng kausap naming propesor.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANO

HINDI

ISANG

KANYANG

MGA

MR. CLEAN

SHARON

SIYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with