^

PSN Showbiz

Liza ngayon lang nabinyagan at nakumpilan!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Katatapos pa lamang  mabinyagan bilang Katoliko ni Liza Soberano noong isang linggo. Hindi pa raw kasi nabinyagan ang dalaga noong ipinanganak siya kaya ngayon lamang niya ito naranasan. “Kasi noong bata po ako, hindi pa ako naba-baptized. So sabi ko, it would be the right time before I turn 18 to get baptized. Me and my brother Justin,” nakangiting kwento ni Liza.

Maging ang sakramento ng Kumpil at First Communion ay nga­yon lamang din naranasan ng aktres. “We had a baptism and diretso na rin pong Confirmation and First Communion,” dagdag ni Liza.

Ilan sa mga kinuhang ninong ng dalaga ay sina Joey Marquez at Johnny Manahan habang si Enrique Gil naman ang isa sa mga ninong ng nakababatang kapatid ni Liza. “I’ve been blessed and I feel closer to God now,” giit pa niya.

Zanjoe gusto nang bumuo ng pamilya, pero ‘di alam kung kailan pakakasalan si Bea

Mahigit apat na taon nang magkarelas­yon sina Zanjoe Marudo at Bea Alonzo ngayon. Ayon sa aktor ay nangangarap na raw siyang bumuo ng sariling pamilya. “Siyempre gusto ko na rin pero siyempre darating ‘yan sa tamang panahon. Hindi naman natin puwedeng ipilit eh. Hindi naman sa hindi priority pero kailangan munang mag-focus sa mga projects. Hindi naman p­uwedeng nganga, mag-relax. Kailangan magtrabaho pa rin,” makahulugang pahayag ni Zanjoe.

Gaano pa kaya katagal ang hihintayin ng mga tagahanga upang masaksihan ang pag-iisang dibdib ng magkasintahan? “Hindi ko masabi eh. Puwedeng bukas, puwedeng sa isang taon. Dara­ting ‘yung tamang oras, siyempre hindi puwedeng madaliin. Kailangang maplano nang maayos,” sagot ni Zanjoe.

Kamakailan ay pumutok ang balitang nagkakalabuan na ang aktor at ang dalaga pero aminado naman si Zanjoe na nagkaroon sila ng problema ni Bea. “Okay kami, masaya kami. Siyempre normal lang naman ‘yun na nagkakaproblema ang isang relasyon. Medyo hindi ka kumportable na napag-uusapan siya. ‘Yung binuo naman naming relasyon ni Bea, hindi naman gano’ng klase na kailangan pang pag-usapan ng mga tao dahil ang ganda ng binuo naming relasyon. Sana ‘wag nang malagyan ng ibang issues. ‘Yung pagmamahal hangga’t hindi nawawala ‘yun, hangga’t nandoon ‘yun, kahit naman ano ang problema ang dumating sa amin, hindi kami matitibag kung mahal pa rin namin ang isa’t isa,” paliwanag ng aktor.

Naugnay din si Paulo Avelino kay Bea dahil marami diumano ang nakakita na magkasama ang dalawa at ilan pang mga kaibigan. “’Yon nga ‘yung hindi masyadong maganda na may nadadamay pang iba dahil hindi naman gano’n ‘yung nabuo naming relas­yon ni Bea. So hindi lang maganda na nadudumihan ‘yun dahil sa mga gano’ng klaseng issue. Alam ko lahat kaya  hindi ‘yon kasali sa kung ano man ‘yung pinagdaanan namin ni Bea,” pagtatapos ng binata. Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

ACIRC

ANG

BEA

BEA ALONZO

CONFIRMATION AND FIRST COMMUNION

ENRIQUE GIL

FIRST COMMUNION

HINDI

NAMAN

STRONG

ZANJOE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with