^

PSN Showbiz

Pinaggagawa ni Lovi mahirap hulaan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ipinakita sa presscon ng Beautiful Strangers ang mga eksena na dapat abangan sa pinakabago na primetime drama series ng GMA 7.

Nahirapan ang mga reporter na hulaan ang kuwento ng Beautiful Strangers dahil sa rami ng twist. May mga eksena na magandang-maganda si Lovi Poe pero biglang naging taong grasa at pakalat-kalat sa kalye.

Starring sa Beautiful Strangers sina Lovi, Heart Evangelista, Dina Bonnevie,  Rocco Nacino, Benjamin Alves, at Christopher de Leon na matagal din na hindi napanood sa mga teleserye ng Kapuso Network.

Makakatrabaho ni Boyet sa Beautiful Strangers ang kanyang anak na si Gab de Leon kaya looking forward ang bagets sa mga eksena nila ng tatay niya.

Kakaiba ang beauty at aura Sandy parang hindi nanggaling sa sakit

Magkasama na dumalo sa anniversary party ng YES! magazine si Christopher at ang kanyang misis na si Sandy Andolong.

First time ni Sandy na umapir sa isang big showbiz event pagkatapos sumailalim sa kidney transplant surgery at marami ang nagulat dahil wala sa kanyang itsura na may pinagdaanan siya na procedure.

Ang sey ng mga reporter, lalong gumanda si Sandy dahil pumayat at ibang-iba ang kanyang aura.

Matagal din na namalagi si Sandy sa loob ng tahanan nila ni Boyet sa Parañaque dahil sinunod niya ang mahigpit na bilin ng mga doktor na magpalakas siya. Naging maingat din siya sa pakikihalubilo sa mga tao habang nagpapagaling para makaiwas sa infection.

Aicelle visible pa, Maricris goodbye-TV na?!

Sina Aicelle Santos at Maricris Garcia ang kumanta ng theme song ng Beautiful Strangers.

Walang balita kung kasama ang dalawa sa Sunday PinaSaya, ang Sunday show na ipapalit sa Sunday All Stars na goodbye TV na sa darating na Linggo.

Mawala man ang SAS, mapapanood pa rin si Aicelle sa Buena Familia bilang kontrabida kay Julie Anne San Jose. Ewan ko lang kung mabibigyan si Maricris ng GMA 7 ng bagong project .

LT at Mitch pinagpiyestahan ang tsismisan nina Ruffa at Gelli

Sina Lorna Tolentino at Mitch Valdes ang magkasama sa tent kapag may taping sila para sa sitcom ng TV5, ang Misterless Misis.

Tahimik na tahimik ang dalawa kapag nasa loob sila ng tent kaya rinig na rinig nila ang tsikahan portion nina Ruffa Gutierrez at Gelli de Belen na magkasama naman sa kabilang tent.

Naloka sina Gelli at Ruffa nang malaman nila na naririnig ng iba ang kanilang mga pinag-uusapan na off the record ang karamihan.

Mga misis at babaeng walang asawa excited na sa Desperate Housewives ng ‘Pinas

Inaabangan na ng mga misis at ng mga babae na walang asawa ang Misterless Misis dahil sa pakiramdam nila na makaka-relate sila sa kuwento ng sitcom na mapapanood sa August 9.

Funny ang trailer ng Misterless Misis na parang local version ng Desperate Housewives dahil sa kuwento ng buhay ng anim na babae na pare-parehong walang mga mister, sina LT, Mitch, Ruffa, Gelli, Ritz Azul at ng newcomer na si Andie Gomez na nagtatrabaho sa senate office ni Senator Tito Sotto.

Wala namang nakakakilala young actress feeling sikat sa rami ng bodyguard

Star na star ang young actress na umapir sa isang mall show noong Linggo.

Nakuha ng young actress ang atensyon ng mga tao sa mall dahil napapaligiran siya ng mga security guard.

Pero kung maririnig ng young actress ang reaksyon ng mga mallgoer, tiyak na malulungkot siya.

Pare-pareho kasi ang tanong ng madlang-bayan nang ma-sight nila ang aktres na napapalibutan ng mga security guard. The who siya?

Kung walang kasama na security personnel ang young actress, hindi naman siya dudumugin ng mga tao. Napansin lamang ang feeling star na aktres dahil sa mga security guard na kasama pero hindi pa rin siya pinagkaguluhan ng fans.

vuukle comment

AICELLE

ANDIE GOMEZ

ANG

BEAUTIFUL STRANGERS

DAHIL

DESPERATE HOUSEWIVES

GELLI

MGA

MISTERLESS MISIS

RUFFA

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with