^

PSN Showbiz

Gustong bumalik sa ABS-CBN, show sa GMA ’di pumatok? Willie lumuhod kay Charo Santos!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Sobrang masinsinan siguro ang pinag-usapan nina ABS-CBN President Ms. Charo S. Concio at Willie Revillame sa 15th Anniversary ng YES! magazine at unveiling ng Most Beauiful Stars 2015 dahil nakitang nakaluhod na si Willie sa harap ni Ms.  Charo. Nakaluhod si Willie dahil walang maupuan at hindi dahil may kasalanan.

Marami ang na-curious kung ano ang pinag-usapan nina Ms. Charo at Willie, pero walang nangahas na magtanong at pinabayaan silang mag-usap. Pero nakunan sila ng litra­to ng photographers na nasa event.

Katabi nina Ms. Charo sina Wilma V. Galvante, Chief Content Officer ng TV5 at Atty. Felipe L. Gozon, Chairman and CEO ng GMA 7 at ang misis nitong si Mrs. Teresa Gozon. Ra­tings ba ng kani-kanyang network o mga talent ng network na lilipat sa kanilang network ang pinag-usapan ng mga ito?

Maganda pala ang speech ni Willie tungkol sa ratings na sinabi na ‘pag hindi nagre-rate ang show mo, wala ka na. May nabanggit din itong dapat nag-iipon ang mga artista at ilagay sa bangko ang ibang pera.

Hindi nga lang na-interview si Willie tungkol sa balitang mawawala pansamantala ang Wowowin at pagbalik sa ere ay daily show na ito.

Richard na-excite nang hawakan ang boobs ni Dawn

Pagkatapos ng presscon ng The Love Affair, dumiretso si Ri­chard Gomez sa Crowne Plaza Hotel para sa 15th Anniversary ng YES! Kasama sila ng misis nitong si Cong. Lucy Torres-Gomez sa 100 Most Beautiful Stars 2015 ng YES! Magazine. Si Goma sa Macho category at si Lucy sa Timeless Beauties category.

Sa presscon ng Star Cinema movie sa direction ni Nuel Naval, pinasaya ni Goma ang mga repor­ter sa mga witty at diretsong sagot. Sabi nito, masarap mag-report sa shooting dahil magaganda at magagaling na aktres ang kaeksena niya - Dawn Zulueta at Bea Alonzo.

“Lagi akong happy na dumara­ting sa set dahil sa kanila at ‘pag wala ang magandang Dawn, nandoon ang magandang si Bea,” wika ni Goma.

May eksenang hinawakan ni Goma ang left boobs ni Dawn at kuwento ng aktor, pinag-usapan nila ni direk Nuel at tinanong niya si Dawn kung okey sa kanya na hawakan ito dahil very sensitive part ang body ng aktres ‘yun.

“I guess napag-usapan nila ‘yun ng asawa niya. Hindi ako nailang, na-excite nga ako,” pagbibiro ni Richard na sinundan pa nang pagtatanong kay Bea kung gusto rin nitong magulat.

Sa August 12, ang opening ng The Love Affair na trailer pa lang ay pasabog na at dagdag na excitement ang mga dialogue. Panalo rin ang theme song ng movie na Your Love na nakaka-LSS (last song syndrome).

Benjamin at Lovi may fan base na

Natanong si Benjamin Alves, how is it working with Christopher de Leon sa presscon ng Beautiful Strangers. Sa Instagram (IG) lang kasi niya nasasabi ang excitement at kung paano siya namo-motivate na husayan ang acting dahil ayaw niyang mapahiya kina Boyet at Dina Bonnevie na parents niya sa drama series ng GMA 7 at mapapanood na simula August 10.

Masalimuot ang karakter ni Benjamin bilang si Lawrence dahil na-in love at pinakasalan si Lea (Lovi Poe) at walang kaalam-alam na na-rape ng kanyang ama.

May fans sina Benjamin at Lovi mula nang gawin nila ang indie film na Sana Dati at matutuwa ang mga ito na muling nagsama ang dalawa at gabi-gabi pa nilang mapapanood sa telebisyon.

Kahawig daw kasi Pops curious kay Yaya Dub

Nakarating na kay Pops Fernandez ang comment ng fans ni Yaya Dub na may anggulo ito na kamukha niya. Na-curious si Pops at gustong mapanood si Yaya Dub sa Eat Bulaga sa live tele­serye nila ni Alden Richards.

Araw-araw dumarami ang nako-convert na maging fans ng Aldub love team at may gumawa pa ng mala-Watt­pad story para sa dalawa na naka-post na sa Internet. Malinaw na isinulat ng author na si blue_osaka na sina Alden at Yaya Dub ang bida ng kanyang story, pero paano ‘pag binili ng TV5 ang story niya at artista ng TV5 ang maging bida, papayag kaya ito?

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

BEA

BEA ALONZO

DAHIL

GOMA

LOVE AFFAIR

MS. CHARO

NBSP

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with