^

PSN Showbiz

Bea inamin na ang ginawa nila ni Paulo!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Klinaro ni Bea Alonzo ang napabalita na tuluyan na silang naghiwalay ng boyfriend niyang si Zanjoe Marrudo.

“Okay naman ako, okay naman kami ni Zanjoe and oo, mayroong mga pinagdaanan, lahat naman tayo, hindi nawawala ‘yan, ‘di ba?

“But ‘yung pinakaimportante dun is kung paano mo i-handle ang sarili mo pagkatapos ng lahat ng ito. So, we’re working it out and masaya naman kami. Okay naman kami,” sabi ni Bea the other night sa presscon ng pelikula nila nina Richard Gomez and Dawn Zulueta na The Love Affair.

Tungkol naman sa sinasabing date nila ni Paulo Avelino, alam daw ni Zanjoe na lumabas silang isang grupo nila Paulo.

Nauna nang sinabi ni Zanjoe sa interview na si Bea ang gusto niyang pakasalan pero hindi pa ngayon dahil pareho silang nakatutok sa kani-kanilang career.

Barbie mas gustong mag-drive kesa mag-cotillion

Pinanindigan ni Barbie Forteza na ayaw niyang mag-party sa kanyang 18th birthday. Pakiramdam niya, hindi worth it gumastos ng malaking halaga para sa isang gabing pagsasaya. At saka struggle raw magsuot ng gown at sapatos.

Mas gusto niyang sa mas kapakipakinabang na paraan gastusin ang pera kesa sa isang grand debut.

Kaya naman mas pinili niya ang Adopt-A-Room program ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) in Diliman, Quezon City. Ang nasabing proyekto ay karaniwang ginagawa ng isang kumpanya. Pero dahil for almost four years ay ang mga batang nagpapagamot doon ang kasa-kasama tuwing birthday niya, binigyan siya ng chance na mag-adopt ng room na ire-renovate para gawing private room.

Ang kikitain after the renovation ay mapupunta sa mga batang naka-confine sa charity ward ng nasabing hospital.

Si Barbie ang kauna-unahang celebrity na nag-adopt-a-room.

Si Edu Manzano kasi isang buong wing ang pinagawa sa nasabing hospital na ang kinikita rin ay napupunta rin sa mga batang walang maitustos sa kanilang pagpapagamot.

Nasa kalagitnaan na ang renovation sa tulong ng GMA Artist Center and Architects Jose Ricky Martinez and Richie Ongteco ang proyekto ni Barbie.

Sa July 31 ang actual birthday ng Teen Royalty at trabaho pa rin ang aatupagin niya dahil may rehearsal for SAS and after the rehearsal lang sila magdi-dinner kasama ang kanyang pamilya.

At wala man siyang party, wish naman niyang magkaroon ng sariling sasakyan na Ranger.

Meron na raw siyang driver’s license at marunong nang mag-drive, pero hindi pa siya pinapayagan ng kanyang mommy. Pero ang daddy niya nakausap na niya.

Samantala, hindi pa nakakaranas magka-boyfriend si Barbie. Hindi naman siya nagmamadali at hihintayin na lang niyang dumating kung sinuman ang magiging first boyfriend niya.

Tootsy at Shalani winner din sa SONA

Winner na winner din pala ang suot na terno nina Shalani Soledad-Romulo, misis ni Cong. Roman Romulo at Tootsy Angara, ang maganda ring misis ni Sen. Sonny Angara.

Wala lang nabanggit kung sino ang nag-design ng green terno ni Shalani pero ang kay Ms. Tootsy ay gawa ni  Rajo Laurel na ayon sa kanya ay super comfortable ang Filipiniana crop top and skirt with pockets.

Actually, tuwing SONA naman parating stand out ang dalawang misis na parating nakasuporta sa kanilang asawa.      

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARTIST CENTER AND ARCHITECTS JOSE RICKY MARTINEZ AND RICHIE ONGTECO

BARBIE

BARBIE FORTEZA

BEA

BEA ALONZO

LOVE AFFAIR

MEDICAL CENTER

NAMAN

ZANJOE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with