^

PSN Showbiz

Jennylyn nagpa-tattoo para kay JM, Kris isinisi ang kapayatan sa coach

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Isa sa mga tinilian sa GMA Fans Day sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na nag-promote ng My Faithful Husband na mapapa­nood na sa August 10. Matagal hinintay ng kanilang fans ang mu­ling pagtatambal ng da­lawa na lalong kinilig dahil mag-asawa ang role nila.

Habang kuma­kan­ta, nakita ang tattoo ni Jennylyn sa neck at marami ang nag-react, hindi raw maganda. Tama na raw ang tattoo ng aktres sa ankle niya. Pinayapa nito ang mga nag-react dahil henna tattoo lang pala ‘yun at mabubura rin na para sa MMFF (Metro Manila Film Festival) movie nila ni JM de Guzman na Walang Forever.

Samantala, hindi maiwasang ikum­para ng au­dience sa MOA Arena ang pagiging payat nina Jennylyn at Kris Bernal. Mas maganda raw tingnan na payat si Jennylyn kesa kay Kris na naba-bash sa Instagram (IG) dahil para sa concerned fans, hindi healthy tingnan na sobrang payat ito.

Natawa lang kami sa reaction ni Kris na kung may dapat sisihin sa pagpayat niya, ito raw ay ang coach niya. Pero kung masaya at kompor­table si Kris sa kanyang katawan, sino tayo para magreklamo at makialam?

Janine planong agawin si Alden kay Yaya dub

Lumobo ang followers sa Twitter at Instagram (IG) nina Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub mula nang umere sa Eat Bulaga ang Ki­lig­serye nila. As of yesterday, may 359K fol­lowers na sa IG ang aktor at mabilis dumagdag ang fol­lo­w­ers. Sa Twitter naman may 543K followers na siya.

Sa Grand Kapuso Fans Day, ramdam ang dagdag ng polularidad ni Alden nang ipakilala siya at lumabas sa stage dahil sa malakas na sigawan ng mga tao. Nadoble ang dami ng fans ng aktor at wish ng mga ito na samantalahin ng GMA 7.

Si Yaya Dub naman, mula sa 38K followers sa IG last week, may 178K followers na at sa Twitter ay umabot na sa 61.2K na araw-araw pang nadarag­dagan ang bilang.

Nakakatawa at nakatutuwang basahin ang comments sa Facebook page ng EB, IG, at Twitter dahil gusto ng fans na maging sina Alden at Yaya Dub in real life.

May napanood pa kami sa FB na three-year-old na umiyak nang ikinulong ni Lola Nidora si Yaya Dub. Isusumbong daw niya sa pulis si Lola Nidora. Mara­ming bata ang nag-iyakan at affected sila sa online teleserye na pina­sikat ng Eat Bulaga.

As for Alden, kung ganito kalakas ang love team nila ni Yaya Dub, paano pa ipo-promote ang love team nila ni Janine Gutierrez dahil magsasama sila sa isang soap? Saka, magtatambal din sila ni Jasmine Curtis-Smith sa isa sa four movies na gagawin niya sa APT Entertainment. Balita namin, this week na siya pipirma ng kontrata para rito.

Mga nanay ng bagets sa Baker King nagsumbong sa DOLE, bossing tinanggal

Wala pang reaction ang TV5 sa balitang may naalis na mga bossing sa Baker King dahil sa taping ng mga batang kasama sa cast na nag-overtime raw na ipinagbabawal ng Department of Labor and Employment. Ang kawawang executive ang nasisi.

Nagreklamo raw ang mga nanay ng mga bagets na in the first place, alam nila ang oras sa taping bago nila pinayagan ang mga anak nila na mag-showbiz.

Valeen maglalagare sa TV5 at GMA

Narinig namin ang comment ni Valeen Monte­negro na “masaya” at “naka­kapanibago nang ta­nuningin ni AiAi delas Alas sa reaction na kasama siya sa grupo ng Sunday PinaSaya. Ipinakilala rin siyang bagong Kapuso star nina AiAi, ano kaya ang reaction dito ng TV5?

Matagal sa TV5 si Valeen at ang dating sa amin, pinayagan siya para tanggapin ang Sunday PinaSaya, pero hindi pa rin umalis sa kanila. In fact, kasama pa rin siya sa sitcom na No Harm No Foul.

Kapag nagsimula na sa Eat Bulaga si Valeen, payagan pa kaya siyang lumabas sa show ng TV5? Kung papayag ang APT Entertainment na mag-network hopping siya, papayag din kaya ang GMA 7 na co-producer ng Sunday PinaSaya na sa dalawang istasyon siya napapanood?

Social media account ni Julia, buhay na buhay pa

Nalungkot ang mga nakabasa sa post ni Shamaine Buencamino sa Instagram na “I miss making faces with you @hoolianabanana” at kasama nito ang picture nila ng anak na si Julia Buencamino at anak na lalaki.

Puro positive messages para kay Shamaine at sa pamilya nito ang reaction ng followers ng character actress sa pinost nitong message sa IG. Napansin namin na wala siyang binanggit sa nangyari sa anak.

Hindi pa dine-delete ang IG ni Julia, kaya nabibisita pa rin ito ng mga kaibigan at nakikita ang pictures noong buhay pa ito at masaya.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BAKER KING

EAT BULAGA

INSTAGRAM

JENNYLYN

MGA

NBSP

NILA

SHY

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with