^

PSN Showbiz

Jiro sinuwerte kay AiAi

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Napakasuwerte ni Jiro Manio dahil may isang AiAi delas Alas na tumutulong para suportahan siya sa kanyang pagpapa-rehab. Alam naman natin na malaki ang gastos sa ganitong treatment, kaya God bless AiAi for her genero­sity and kindness.

Makatapos ng kanyang treatment, tutulong din ang komedyana para makapunta ng Japan si Jiro at mahanap ang kanyang ama. Mabuhay ka, AiAi.

Kris at Karen nagpapagandahan!

Hindi na lamang ganda ng mukha at katawan ang basehan ngayon para masabing beautiful ang isang babae. Malaki na rin ang puntos na ibinibigay sa laman ng kanyang utak at ang kanyang beauty in­side. Kaya huwag na ta­yong magtaka na napiling most beautiful ng isang popular na babasahin si Kris Aquino at ng isa pa ring magazine si Karen Davila na tulad ng Presidential Sister ay kilala rin sa pagi­ging matalinong babae. Congrats sa inyong dalawa.

Ribbon sa damit nina Josh at Bimby hindi tatak ng Aquino

Dapat kulay dilaw pa rin ang kulay ng mga ribbon na nakalagay sa Barong Tagalog na isinuot ng dalawang anak na lalaki ni Kris Aquino na sina Josh at Bimby Aquino sa SONA ni P-Noy. Hindi na ito simbulo ng pamilya Aquino kapag hindi na dilaw ang kulay. Ito ang dapat isaisip ng sinumang tagadi­senyo ng damit ng pamilya Aquino. Anumang kulay ang gagamitin nilang damit, kapag nilagyan ito ng ribbon, dapat kulay dilaw.

Myrtle umaasa sa mga trabaho para makalimutan ang anak ni Sen. Poe

Hiwalay na pala si Myrtle Sarrosa sa kanyang boyfriend na anak ni Sen. Grace Poe na si Brian Llamanzares. Naghiwalay ang dalawa para bigyan ng pagkakataon ang kanilang mga sarili na mag-grow pa individually.

Makatutulong sa healing process ang pagkakaron ng mara­ming trabaho ni Myrtle. Tinanggap na nito na hanggang dun na lamang ang relasyon nila ni Bryan.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AQUINO

BARONG TAGALOG

BIMBY AQUINO

BRIAN LLAMANZARES

GRACE POE

JIRO MANIO

KAREN DAVILA

KRIS AQUINO

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with