^

PSN Showbiz

Ervic laging kasama, bagong papa ni Vice?

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK:Dinagsa ng napakaraming fansang SM MOA Arena kamakalawa ng hapon para makibahagi sa Kapuso Grand Fans Day na bahagi ng 65th annniverary ng GMA 7.

Bukod sa variety show na napapanood nila, at mga premyong natanggap nila, may meet and greet pa rin doon na kung saan nakakasalamuha nila ang mga paboritong Kapuso stars nila.

Ang nasaksihan naming pinagkaguluhan nang husto sa meet and greet ay ang magka-loveteam na Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

Lalo pang gumanda si Bianca habang lumalaki kaya ang daming natuwa nang nakita nila ang Kapuso young actress.

Natuwa rin si Bianca para kay Miguel na sikat na sikat na rin pala sa Indonesia dahil sa mga dubsmash niyang pinapanood doon.

Sa Indonesia lang ay humakot ng napakaraming fans si Miguel, kaya nakatakda siyang pumunta doon para makita ang Indonesian fans.

PAK: Sandaling nakatsikahan namin sa Kapuso Grand Fans Day si Ervic Vijandre na binibigyan ng malisya sa closeness nila ni Vice Ganda.

Madalas silang nakikitang magkasama, na ang huli ay sa concert ni Chris Brown.

Sabi ni Ervic, matagal na silang magkaibigan ni Vice at ngayon nga ay magkakasama raw sila sa bagong business nilang Tipsy Pig sa The Fort. Kaya naging close silang magkakaibigan.

“Marami naman kaming may-ari ng Tipsy Pig, sina Yassi Pressman, Danita Paner, IC Mendoza. Nag-share kami run kaya naging grupo talaga kami,” pakli ng Kapuso hunk actor.

“Close kami dahil magkaibigan kami. Hindi naman ako kailangang umiwas dahil binibigyan nila ng malisya. Para sa akin magkaibigan talaga kami eh. Pero wala naman talaga eh. Alam ko naman na wala naman talaga,” pahayag pa ni Ervic.

BOOM: Inaasahan naming sasagutin ni James Yap ang sinabi ni Kris Aquino sa kanyang Instagram account na wala raw ibinibigay na financial support sa kanilang anak na si Bimby ang basketball star.

Naungkat kasi ito nang ipinost ni Kris ang video sa anak niyang si Joshua na nakikinig ng mga kanta ni Yeng Cons­tantino.

Binanggit niyang paborito raw nina Josh at Bimby ang mga kanta ni Yeng.

May nag-comment na follower na nagtatanong na bakit hindi man lang daw nababanggit ang ama ni Josh na si Phillip Salvador. Out of the picture na nga raw ba si Kuya Ipe sa buhay ni Josh?

Pinatulan ito ni Kris at sinagot niyang wala na silang communication ni Kuya Ipe. Wala na raw itong active role sa buhay ni Joshua.           

Siya raw ang solong nagpapalaki kay Josh kasama ang mga kapatid niya at ang namayapa niyang inang si dating pangulong Cory Aquino.

Bakit naman daw niya babanggitin ang ibang mga taong wala nang kinalaman sa kanilang buhay?

May sumali na tuloy na isang follower na sinabing mabuti pa raw si James Yap na nandiyan ang suporta kay Bimby.

Sinagot din agad ito ni Kris ng; “Sorry to disillusion you, but we also don’t receive financial support from Bimb’s dad.”

Sasagutin pa kaya ito ni James na nasa bakasyon kasama ang kasintahang si Michela Cazzola?

vuukle comment

ACIRC

ANG

BIANCA

BIANCA UMALI

BIMBY

JAMES YAP

KAPUSO

KAPUSO GRAND FANS DAY

KUYA IPE

NBSP

TIPSY PIG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with