^

PSN Showbiz

Paulo pressured, ikukumpara kay John Lloyd!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Nalalapit na ang pagtatapos ng teleseryeng Bridges of Love na pinagbibidahan nina Jericho Rosales, Maja Salvador, at Paulo Avelino. Marami ang nakapapansin sa magaling na pag-arte ni Paulo sa nasabing soap opera at ang ilan ay naihahalintulad pa siya kay John Lloyd Cruz. “Wala naman sigurong papalit sa trono ni John Lloyd. Ako lang, I’ve been trying to curve my own path in this business to bring in something new. And eventually magawa ko ‘yun at mangyari ‘yung mga gusto ko hindi lang para sa sarili ko kundi pati na rin sa industriyang ito,” paliwanag ni Paulo.

Dahil dito ay nakararamdam na raw ng pressure ang aktor ngayon sa kanyang mga ginagawa. “Nando’n naman lagi ‘yung pressure on myself, kumbaga ang dami ko pang gustong gawin, ang dami ko pang gustong ibigay,” nakangiting pahayag ni Paulo.

Vina anim na taon nang tigang

Kapansin-pansin ang magandang aura ni Vina Morales ngayon. Marami ang nagtatanong sa aktres kung mayroon na bang bagong nagpapatibok sa kanyang puso sa kasalukuyan. “Hindi pa rin, wala pa eh. I think I haven’t meet someone special,” bungad ni Vina.

“I go out on a date but nothing serious. Pero hindi ‘yun exclusively dating. Sana, exclusively dating pero wala,” dagdag ng aktres.

Matagal-tagal na rin nang huling magkaroon ng kasintahan si Vina kaya nakararamdam na raw ng pagkainip kung kailan muli makikipagrelasyon. “Actually sobrang inip na. six years na rin eh, kasing taon ng anak ko,” pagtatapat ni Vina.

Natuto na raw ang aktres kaya naging mapili na siya sa lalaki na gustong makarelasyon. “Dapat choosy na at segurista. Pero it’s just that wala pa talaga akong nami-meet na nagkaroon talaga ng spark, nothing serious. But I’m always open, like if someone asks me, but if there’s no spark I’d rather not prolong the situation,” giit niya.

Ano ba ang mga katangiang hinahanap niya sa isang lalaki? “First, my priority is my daughter, so kailangan priority din niya is me and my daughter. Siguro ‘yon ‘yung first option na magugustuhan ko sa isang tao,” sagot ng aktres.

Hindi naman daw naghahanap ng father figure ang kanyang anak kaya hindi namomroblema si Vina tungkol dito. “No naman but she prays that I will have, na sana, she will have a brother or a sister soon. Sabi ko, ako naman pinagpe-pray ko na dapat daddy muna, we’ll see,” giit ni Vina.

Samantala,  wala pang bagong kasintahan ngayon ang nakababatang kapatid niyang si Shaina Magdayao at ayon kay Vina ay mas gusto niyang siya na muna ang maunang magkaroon ng nobyo. “Naku! Sabi ko ako muna. Kung hindi, magra-rally ako. Hindi kakayanin ng powers ko,” natatawang pahayag ni Vina.

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

ACIRC

ANG

BRIDGES OF LOVE

BUT I

HINDI

JERICHO ROSALES

JOHN LLOYD

JOHN LLOYD CRUZ

MAJA SALVADOR

PAULO

VINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with