^

PSN Showbiz

Dahil kay Juday, Tirso Cruz hindi makakanood ng laban ni Pacman

Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Last year ay nakatsikahan ko si Lyn Cruz at natanong ko siya tungkol sa naitsika sa akin ng isang kaibigan na nakita nito si Tirso Cruz III sa St. Luke’s Global sa The Fort, Taguig City.

Sabi that time ng kaibigan ko, mukhang may sakit si Pip at nagpapa-check-up daw sa nasabing ospital.

Pero ang sabi ni Lyn, walang sakit ang kanyang mister, pero kamakailan nga, sa birthday party mismo ni Pip ay inamin nito na nagkaroon ito ng cancer at magaling na.

Nang makatsikahan ko uli noong isang araw si Lyn, ipinaliwanag niya na that time na tinanong ko siya tungkol sa ikinuwento sa akin ng kaibigan ko na nagpapa-check-up ang kanyang mister sa St. Luke’s Global, hindi pa raw talaga nada-diagnose ang sakit ni Pip, kaya ganoon ang naging sagot niya sa tanong ko.

Mas gusto nga raw nilang mag-focus ngayon sa selebrasyon ng pagga­ling ni Pip kesa sa naging sakit ng kanyang mister.

Tinanong ko nga pala si Lyn kung may balak sila ni Pip na manood ng Floyd May­wea­ther-Manny Pacquiao boxing fight nga­yong maga­ling na ang kanyang mister at puwede na silang ma­kapag-tra­vel?

“Hindi kami puwedeng umalis, kasi ‘yung bagong series ni Pip sa ABS-CBN, ‘yung show ni Juday (Judy Ann Santos), sa May na ang start. Dapat kasi nag-start na ‘yon, pero may mga inayos pa, kaya May na ang simula. So, hindi kami makakapunta sa boxing fight ni Pacquiao,” sey pa ni Lyn.

Deniece naghahandang mag-Cinderella sa painting session

Ang paghahanda ni Deniece Cornejo para sa painting session kung saan ay ipipinta siya ng sampung kilalang painters sa Pilipinas.

Hindi raw nude painting session na gagawin.

“Parang tribute siya kay Cinderella, kaya Cinde­rella-inspire ang susuotin ko sa pictorial na ‘yon,” sey ni Deniece.

Nabuo raw ang concept na ‘yon nang magsuot at mag-ayos siya na mala-Cinderella nang um-a­­ttend sa Star Awards for Television noong March 8.

“Naisipan lang ng mga kumuha sa akin na gawin ‘yun dahil nagustuhan nga nila ‘yung mala-Cinderella na suot at ayos ko noong Star Awards,” pahayag niya.

Martin maagang nagpunta sa Las Vegas para maipasyal ang bunso

Mula sa New York City kung saan  isa siya sa mga sumakay sa first Philippine Airlines flight papunta doon noong March 1, ay nasa Las Vegas, Nevada na si Martin Nievera.

Sobrang enjoy si Martin sa pagba-bonding nila ng bunsong anak na si Santino.

Sa April 4 pa ang show ni Martin sa M Pavilion, pero inagahan na niya ang pagpunta roon para mas makapag-enjoy sila ni Santino.

vuukle comment

ACIRC

ANG

DENIECE

DENIECE CORNEJO

FLOYD MAY

JUDY ANN SANTOS

LAS VEGAS

LYN CRUZ

SHY

ST. LUKE

STAR AWARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with