^

PSN Showbiz

Marjorie ‘di pa kumpleto ang pakikipag-ayos

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Kung hindi pa sinabi mismo ni Dennis Padilla, ‘di pa malalaman ng publiko na hindi sila nagbabatian ng ina ni Julia Barretto na si Marjorie Barretto. Tsk. Tsk. Tsk. Eh di ba, ‘di pa rin sila completely bati ni Claudine Barretto?

Unahan na kaya niya ang kapatid at dating asawa sa pakikipagbati? Ambag na niya for the reconciliation of the Barrettos and Baldivias. At pagtupad sa wish ng daughter niya na mapag-isa ang pamilya. What can you say, Marjorie?

Pagpapasaya ni Willie sa mga tao sobrang magastos

Ngayon pa lamang ay kumpleto na ang segment ng upcoming show ni Willie Revillame na WoWoWin sa Kapuso Network.  Kasama na rito ang Bigyan ng Jacket, Willie of Fortune at marami pang iba. “Hindi basta-basta [ang mga papremyo]. Magbibigay ang show ng one million, mamimigay rin ng mga sasakyan, house and lot.”

Mikael at Andrea level up na ang tambalan

Pagkatapos ng matagumpay na Ang Lihim ni Annasandra, sa bansang Cambodia naman ang destinasyon ng magkaparehang Mikael Da­ez at Andrea Torres. Sa nasabing bansa nila is­yu-shoot ang bagong teleserye nila na mismong mga taga-Cambodia ang humiling.

Naipalabas kasi run ang mga naunang teleserye ng dalawa na pumatok naman sa mga Cambodian viewers.

Sa April 20 ang alis ng dalawa patungong Cambodia. Ilang linggo rin ang shooting nila dun, pero isang buwan silang mananatili sa nasabing bansa. Pagbalik naman dito ay may karagdagan pang anim na araw ng shooting ang gagawin nila.

Isang Cambodian ang magdi-direct ng serye na may English title na Blood in Dispute. Mapapano­od din ito rito sa ating bansa. Ang mga support actors ay bubuuin ng mga artistang Pinoy at Cambodian. Partnership ito ng Cambodian TV at GMA.

vuukle comment

ACIRC

ANDREA TORRES

ANG

ANG LIHIM

CLAUDINE BARRETTO

ISANG CAMBODIAN

JULIA BARRETTO

KAPUSO NETWORK

MARJORIE BARRETTO

MGA

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with