^

PSN Showbiz

Joey na-excite sa Penis Festival ng Japan!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Aligaga na ang lahat kung saan magbakasyon ngayong Semana Santa.

Isa sa paboritong puntahan ngayon ng mga celebrities ay sa Japan.

Ang bagong kasal na Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista ay may mini-honeymoon daw uli. Type na type daw ni Sen. Chiz ang Japan at matagal na raw nilang pinlano ito.

PAK: Excited naman si Tito Joey de Leon sa bakasyon niya sa Japan dahil balak daw niyang puntahan ang annual Penis Festival sa Kawasaki, Japan.

Ginagawa itong Penis Festival na tinatawag nilang Kanamara Matsuri o Festival of the Steel Phallus.

Niyaya rin ni Tito Joey na puntahan nila ito ni Sen. Chiz. Ibang experience daw ito para sa kanila. Kasalukuyang nasa Japan ang karamihang Dabarkads ng Eat Bulaga para magbakasyon ngayong Semana Santa.

BOOM: Nagulat si Willie Revillame sa kumalat na kuwentong pinagpipilian daw sina Jennylyn Mercado at AiAi delas Alas na maging co-host niya.

Sandaling nakatsikahan namin si Willie kahapon at wala pa raw talaga siyang naiisip kung sino ang kukuning co-host.

“Nagulat nga ako na may lumalabas na si Jennylyn na raw. Alam ko ang daming show ni Jennylyn, pero okay na okay siya eh,” pakli ng kontrobersyal na TV host.

Hanggang sa ngayon ay wala pa raw talaga silang napagkasunduang co-host.

Pero merong isang young female celebrity ang interesado si Willie na kukunin niya para sa Wowowin.

Anak ng kilalang actress/politician na naging malapit sa kanya kaya gusto raw niyang kukunin dahil tumatanaw daw siya ng utang na loob sa kaibigang aktres.

Hindi pa tiyak kung magsisimula ito sa April 26. Abangan na lang daw ang kanilang announcement.

vuukle comment

ANG

CHIZ

CHIZ ESCUDERO

DAW

EAT BULAGA

FESTIVAL OF THE STEEL PHALLUS

HEART EVANGELISTA

JENNYLYN

PENIS FESTIVAL

SEMANA SANTA

TITO JOEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with