^

PSN Showbiz

Kahit ginagastusan ang It’s More Fun... campaign ng ‘Pinas, Kris effective na endorser ng Japan!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Tuloy daw ang ‘pagpo-promote’ ni Kris Aquino ng Japan. Ito ay sa kabila nang kampanya ng Department of Tourism na It’s More Fun in the Philippines.

Ito ang napansin ng maraming nanonood ng kanyang morning program na Kris TV. Ilang buwan na rin daw kasing araw-araw may portion sa kanyang programa ang tungkol sa pagkain, lugar, traditions, at kung anu-ano pang magandang katangian ng Japan.

Kaya naman, in fairness, ang daming nagdadagsaan sa Japan at si Kris mismo ang nagsabi na fully booked na raw ang Japan trip at baka after two months pa makakuha ng bookings ang mga gustong pumunta sa nasabing bansa na four hours lang ang paglalakbay.

Parang since last year pa raw ang ginagawang ‘promo’ ng presidential sister sa kanyang programa sa iba’t ibang bahagi ng Japan.

Kahapon nga ay nasilip ko ang Kris TV, true halos buong programa niya ay kinunan sa Japan.

Hmmm ex deal ba ito with the Japanese Tourism Board o talaga lang amazed si Kris sa bansang Hapon? At may comparison pa si Kris sa Philippines like sa weather na sinabi niya kahapon na napaka-pleasant daw ng weather doon sa lugar na pinuntahan niya na hindi naranasan sa Philippines.

Bakit hindi kaya ang local tourism ang tulungan ni Kris na i-promote? Ang yaman na nga naman ng Japan at mas kailangan ng Pilipinas ang push para mas lalong makita ang magagandang lugar na hindi pa nae-explore ng marami.

Common knowledge na malaki ang talent fee bilang endorser ni Kris at in fairness super effective endorser siya kaya malaking benefit sana ang mapapala ng local tourism kung may regular promo din ito sa kanyang programa. Unless nabanggit niya dati sa kanyang programa ang rason ng pagpo-promote ng travel niya sa Japan.

Kabilang sa mga nagbabakasyon ngayon sa Japan sina Zsa Zsa Padilla at boyfriend na si Conrad Onglao, sina Vic Sotto and Pauleen Luna, at iba pang taga-Eat Bulaga, Zanjoe Marudo at Bea Alonzo at marami pang iba.

Anyway, buti pa ang pelikulang You’re My Boss nina Coco Martin at Toni Gonzaga, na—capture ang ganda ng Batanes. Wow sobrang ganda pala ng lugar na parang gusto mo na ring puntahan. By the way, Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang pelikula na palabas sa mga sinehan sa Sabado de Gloria.

Kris pinagtawanan ang mga bitbit na pasalubong ng mga promdi!

At isa pa nga palang ikina-emote ng mga nanonood kay Kris ay nang umano’y pagtawanan niya ang mga biscuit na dala ng mga uuwing kababayan natin sa probinsiya.

Sabi raw ni Kris, paano makaka-travel light ang mga kababayan natin pauwi ng probinsiya kung may bitbit silang lata-latang biscuit na pasalubong. Parang sina-suggest pa raw ni Kris bakit hindi na lang donuts ang bitbitin na parang insinuation ay ang donut na lang na ini-endorse ng kanyang bunsong anak ang gawing pasalubong.

Napa-ouch daw ang ilang promdi na tradisyon na ang pagbibitbit ng mga biscuits pauwi ng probinsiya. Hindi raw nila afford ang donuts dahil bukod sa matutunaw sa mahabang biyahe, medyo expensive.

Kung sabagay hindi nga naman makaka-relate si Kris sa happiness na nararamdaman ng mga kamag-anak ng umuuwi sa probinsiya dahil hindi niya naranasan ang ganitong buhay. Siyempre iba ang buhay niya sa ordinar­yong promdi na pagdating ng probinsiya ay namumudmod ng mga pasalubong sa mga kamag-anak.

Megan balik-kapuso, ipinilit na kaibigan lang talaga si Mikael

Balik-Kapuso ang Starstruck II alumna and Miss World 2013 Megan Young. Yup, she inked a one-year exclusive contract with GMA Network yesterday, March 31.

Pagkatapos manalo ni Megan bilang Miss World  2013 ay naging busy siya sa humanitarian projects sa iba’t ibang bansa. At ngayon na siya ay magbabalik-showbiz, pinili niya ang dating tahanan, ang Kapuso Network. “Masaya kasi siyempre dito ako nagsimula, bilang isang StarStruck finalist.  So ngayon masaya ako sa pagbabalik  ko kasi I’ve grown so much as a person, as an artist and now, andito na ulit ako,” pahayag ng balik-Kapuso TV host-actress.

Masaya rin niyang ibinalita na magiging parte siya ng  bagong season ng original reality-based artista search  ng GMA-7,  ang StarStruck. Makakasama siya ng Primetime King na si Dingdong Dantes  bilang co-host sa  live episodes ng programa.

Kwento pa ng StarStruck Avenger, marami raw siyang pwedeng ma-impart sa StarStruck hopefuls. Isa na rito ang  paghangad na manalo sa kompetisyon pero at the same time, kung hindi naman  palarin ay matutong tanggapin ito nang maluwag dahil ika nga niya, “There are always good things out there for you.”

At madalas man na nali-link sa isa’t isa ang balik-Kapuso at Mikael Daez, iginiit pa rin ng dalaga na matalik na magkaibigan lamang sila. No label, at ayaw rin niyang lagyan ng meaning ang kanilang pagkakaibigan.

Nang tanungin siya during her contract signing kung willing ba siya to work with the Kapuso leading man, agad na sinagot ni Megan , “Why not work with Mikael? Hindi ko pa siya nakikita sa work area niya at hindi niya pa ako nakikita sa work area ko so it would be really interesting.”

Grand alumni ng Rizal National High School

Sa Sabado de Gloria na gaganapin ang Grand Alumni Homecoming ng Rizal National High School sa Rizal, Sta. Elena, Camarines Norte. Tinatawagan ang lahat ng mga nagtapos ng high school sa aming eskuwelahan.
Punong abala sina Isabel Tena-Climaco at Sally Barcelona. Nangako sila na maraming pasabog ang nasabing event.

Sadly hindi ako makaka-attend. Hirap makipagsabayan sa pagbiyahe.

vuukle comment

ACIRC

ANG

HINDI

JAPAN

KAPUSO

KRIS

MEGAN

MGA

MISS WORLD

NBSP

NIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with