^

PSN Showbiz

Kaya kontra sa pre-nup agreement Toni ayaw santuhin ang pera!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Hindi raw kailan man pumasok sa isip ni Toni Gonzaga ang pagkakaroon ng pre-nuptial agreement sa pagitan nila ni Paul Soriano.

Naging usap-usapan ang tungkol dito dahil nalalapit na ang pagpapakasal ng magkasintahan. “Actually no’ng tinanong sa akin ‘yan saka ako napaisip. Sabi ko, ‘Ay! Mag-prenup ba? Dapat ba may gano’n talaga?’ Normal lang naman ako, kung ano ang meron ako, pinaghirapan ko,” nakangiting pahayag ni Toni.

Ibang-iba raw ang pananaw ng aktres tungkol sa pag-aasawa kaya hindi niya naiisip kung ano’ng mga ari-arian o mga materyal na bagay ang mayroon siya o ang kanyang mapapangasawa. “Siguro ang program ko kasi sa pag-aasawa, once you get into a relationship and once you get into the commitment that you want to be together forever, you will try your very best to make it work. So ‘yung sa akin kapag nag-prenup ka parang in the long run, iniisip mo na baka in the future baka maghiwalay kami. So kailangan sa akin ang pera ko. ‘Yung security mo nasa pera, wala doon sa tao. So I’d rather put my faith in God and to the person I’m marrying and keep on praying that it will work forever,” paliwanag ni Toni.

Hindi rin napag-uusapan ng aktres at direk Paul ang tungkol sa mga bagay na ito. “Never, never. Hindi ko naisip ‘yun. ‘Di ba sinabi nga niya bahala ka sa money mo, sa family mo, kung ano ‘yung napagtrabahuhan mo kung ano ang sa inyo,” giit pa ng aktres.

Claudine at Raymart nagkasundong hindi na magsisiraan

Sinisikap daw ni Claudine Barretto na maging isang mabuting magulang para sa mga anak na sina Sabina at Santino kahit magkahiwalay na sila ni Raymart Santiago. “I actually talked to Raymart, napag-usapan namin na sana let’s not talk about each other anymore. Let’s not accept questions regarding each other kung hindi maganda ‘yung sasabihin natin. We are trying to be good parents for the kids. We failed as husband and wife, we are trying to not fail as parents now,” pagbabahagi ni Claudine.

Nagiging maayos na raw muli ang pakikitungo nina Raymart at Claudine sa isa’t isa ngayon.

Kamakailan ay nakita pa silang magkasama para sa activity ng anak sa eskwelahan nito. “My daughter, she had ‘yung fun run. As family, we attended. We are very civil. We are talking,” maikling kuwento ni Claudine.

Nakapag-dinner pa raw ang kanilang buong pamilya pagkatapos ng nasabing fun run.

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

ACIRC

ANG

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

DAPAT

IBANG

PAUL SORIANO

RAYMART

RAYMART SANTIAGO

SO I

TONI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with