^

PSN Showbiz

Kahit 13 years na Claudine yearly nightmare pa rin ang pagkamatay ni Rico Yan

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kahit 13 years na palang namamatay si Rico Yan, aminado si Claudine Barretto na tuwing darating ang ganitong panahon, bumabalik sa kanya ang masamang alaala sa pagkamatay ng aktor. Sabi niya sa kanyang Instagram account, yearly nightmare niya ang pagkamatay ng boyfriend sa Palawan noon.

“HIIT AGAIN! pang wala ng lungkot. hate this day. March 29 every year you r my nightmare!!! Missing you RY,” caption ni Claudine sa kanyang picture habang nagwo-work out.

Maalalang namatay ang aktor noong March 29, 2002 sa Dos Palmas Resort in Palawan habang natutulog. Pero hindi klaro noon kung sila pa nga. Nagulo noon ang Holy Week nang kumalat ang balitang namatay si Rico Yan habang nagbabakasyon.

Anyway, lately ay umaga at hapon, (base sa post niya sa Instagram) nasa gym si Claudine. Very active siya sa HIIT (High-Intensity Interval Training). Kaya nga ang bilis ding pumayat ng aktres.

Ibang klase ang HIIT talagang papawisan ka kaya malulusaw talaga ang mga taba mo sa katawan. Eh kung araw-araw ka magti-training sure ‘yun na madali ang pagpayat mo like Claudine.

Bukod sa seryoso sa gym si Claudine, regular na rin siyang bumibisita sa clinic ni Dr. Vicki Belo. Yup, obviously napag-usapan ang dating isyu na lumutang noon between Dr. Belo and Raymart Santiago.

Ok na rin sila ni Raymart ngayon. Sinabi ni Claudine na hindi man sila nagtagumpay bilang mag-asawa, sinusubukan naman nilang maging mabuting mga magulang sa dalawang anak nila.

Tungkol naman sa kanila ni Marjorie, aminado si Claudine sa kanyang interview sa The Buzz last Sunday na hindi klaro kung ok na sila ng kapatid matapos siyang dumalo sa debut ng pamangking si Julia Barretto.

Nag-usap naman daw sila ni Marjorie at nagpaka-ate ito nung magkita sila. “Nagbeso ako, ‘tapos sabi niya, ‘Thank you for coming, it means so much to Julia and to me.’ And then I said, ‘Thank you for inviting me.’

“‘Pag dumadaan siya sa likod ko, she’d ask me, ‘Did you eat na?’ and ‘What do you want to drink?’ ‘Yun, nakikita mo ulit yung pagka-ate niya, alam mo ‘yun?

“Pero parang natatakot ako mag-dive dun sa gano’n... kasi baka maulit, baka mawala ulit,” sabi ni Claudine.

“The next day after the debut ay nag-breakfast kami together,” sabi pa ni Claudine sa interview ni Tito Boy Abunda.

Sinabi pa ni Claudine na pelikula muna ang uunahin niya bago mag-teleserye.

Matteo umamin, hindi niya ‘kasundo’ ang mga magulang ni Sarah

Sinabi ni Matteo Guidicelli sa isang interview ng ABS-CBN.com na hindi nga raw sila ‘magkasundo’ ng mga magulang ng girlfriend niyang si Sarah Geronimo. “I guess her parents and I, we don’t think the same. We don’t have the same mindset but I respect whatever mindset they have, whatever they feel and think about me. I respect totally everything. I can’t do anything because that’s the people Sarah loves the most. I love them too. I want to love them too. I hope everything will be better and happier in the future kumbaga,” sabi ng aktor.

Pero giit ng aktor, maayos ang relasyon nila ni Sarah kahit may challenges.

Maaalalang umiyak si Matteo sa kanyang birthday party nang kantahan siya ni Sarah ng Thinking Out Loud na ayon sa kanya ay naluha lang siya dahil nakita niya ang effort ng girlfriend.

Fans ni Sam Concepcion active na active

Nakakaaliw pala ang fans ni Sam Concepcion. Talagang hindi nila ako tinantanan maghapon sa Twitter porke napuna ko at sinabing mag-concentrate na lang siya sa singing dahil hindi gaanong bagay na nakikipaghatawan siya sa sayawan sa ASAP last Sunday.

Wow, walang patid na pag-iimbyerna ang ginawa ng fans ng young actor.

Akala ko nga magte-trending pa. Hahaha.

Meaning maraming fans ang young actor na umano’y ex na ni Jasmine Curtis.

Kung marami siyang fans bakit kaya wala siyang show sa ABS-CBN?          

vuukle comment

ACIRC

ANG

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

DOS PALMAS RESORT

NBSP

NIYA

PERO

RICO YAN

SAM CONCEPCION

SINABI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with