^

PSN Showbiz

Guwapong aktor pinaglaruan at tinikman lang ng mas may edad na aktres

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kapag aksidenteng nasisilip namin sa telebisyon ang isang guwapong aktor ay biglang nagbabalik sa aming alaala ang naging relasyon nila ng isang magandang aktres na mas may edad sa kanya.

Mabilisan lang ang mga pangyayari, nagkasama sila sa isang pelikula, sinimulan at tinapos ang proyekto sa isang magandang isla.

Sa halos dalawang buwan nilang pananatili sa isla ay silang dalawa lang ang madalas magkuwentuhan, hangang-hanga ang aktor sa katalinuhan ng mukhang malditang aktres, tinatanong pa nga niya ang kanyang sarili kung bakit ito hiniwalayan ng isang sikat na aktor samantalang nasa babae na yata ang lahat-lahat ng mga katangiang hina­hanap ng lalaki sa isang babae.

Ang pagkukuwentuhan nilang madalas ay nauwi sa isang relasyon, magkaiba ang cottage na tinutuluyan nila pero napansin ng kanilang mga kasama­han, sa cottage na ng aktres natutulog ang guwapong aktor.

Mas binigyang-buhay nila ang mga papel na natoka sa kanila, mas nag-alab ang mga eksena ng kanilang pagniniig, pinapalakpakan ng direktor ang bawat eksenang ginagawa nila. Lulong na lulong ang aktor sa maganda at matalinong aktres, wala siyang pakialam kung malaki ang agwat ng kanilang edad. Siya ang makapagpapatunay na ang alak habang dumaraan ang maraming tao ay mas sumasarap.

Balik-Maynila na sila, tapos na ang maliligayang araw nila sa isla, bitbit pa rin ng guwapong aktor ang pagmamahal sa aktres na maraming beses niyang nakatabi sa pagtulog.

Pero nagbago ang sitwasyon nu’ng nasa lunsod na sila. Naging mailap na sa kanya ang aktres, hindi na sinasagot ang kanyang mga tawag, parang walang nangyari sa kanila sa isla sa loob nang halos dalawang buwan. Iniyakan ‘yun ng aktor, pakiramdam niya ay pinaglaruan lang siya ng aktres, pinapasok lang siya sa bitag at nu’ng malalim na siya ay saka naman siya biglang binitiwan.

Pareho na silang pamilyado ngayon, pumasok na sa ibang larangan ang aktor, pero kailanman ay hindi niya makakalimutan sa buong buhay niya ang dati niyang magaling na teacher.

Ubos!

Mariel ipapatanggal na ang patay NA binhi sa katawan!

Mabilisan lang ang pagkikita namin ni Mariel Rodriguez. Nagraradyo kami nang mapadaan siya sa tapat ng booth kasama ang isang tagapamahala ng mga programa ng TV5.

May meeting sila, may mga bagong shows na gagawin ang misis ni Robin Padilla sa network, kaya ang tanong kung makakasama ba siya ni Willie Revillame sa bagong show nito sa GMA-7 ay parang tinuldukan na niya.

Tinanong namin siya kung nasa kanyang sinapupunan pa ang fetus na dapat sana’y panganay nila ni Robin. Oo raw, ngayong Lunes pa lang daw uli siya babalik sa kanyang OB-Gynecologist para magpa-check-up. Pinayuhan namin siya na hindi makagaganda sa kanyang katawan ang matagal na pananatili ng binhi sa kanyang sinapupunan, pero ang pabiro niyang sagot, “Buhay pa naman po ako!”
Nakalalason ng dugo ang ganu’n, kuwento namin kay Mariel, na sinang-ayunan naman ng kanyang road manager na si Bettina Aspillaga.

Ngayong Lunes, sabi ng magandang TV host, ay magpapa-check-up na siya. Magpaparaspa dapat, dahil ‘yun ang kailangang pagdaanang proseso ng isang sumasailalim sa miscarriage.

vuukle comment

ACIRC

AKTOR

AKTRES

ANG

BETTINA ASPILLAGA

ISANG

KANYANG

MABILISAN

MARIEL

MGA

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with