^

PSN Showbiz

Pero may iba rin namang nagtitika... Maraming artista magpapa-retoke ngayong Holy Week!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Kanya-kanya ng lakad ang mga artista ngayong Holy Week. Karamihan sa kanila magbabakasyon sa mga beach resort dahil wala silang mga shooting at taping.

Looking forward ang mga artista sa Holy Week dahil ito ang bihirang pagkakataon na nagkakaroon sila ng mahaba-haba na bakasyon.

‘Yung mga walang plano na rumampa sa beach, beautification project ang aasikasuhin. Ang Holy Week ang pinakahihintay nila para ipasipsip ang mga taba mula sa kanilang mga katawan, magpa-skin peeling, magpadagdag ng dede, magpaturok ng botox at collagen, magparetoke ng face at kung anik-anik pa.

Hindi mahirap ma-detect ang mga celebrity na may dapat ipagpasalamat sa mga beauty doctor. Makikita naman sa kanilang mga mukha at katawan ang mga ebidensya.

May biglang tumangos ang ilong, naging sariwa ang aura dahil nawala ang mga linya sa mukha, lumiit ang beywang, lumaki ang bumpers at kung anik-anik pa.

Pero may mga artista naman na tradisyonal pa rin ang paggunita sa Mahal Na Araw. Sila ang mga artista na umuuwi sa probinsya para sa mga pabasa, makakasalubong ng fans sa simbahan dahil nag-Visita Iglesia sila, hindi umalis ng bahay dahil inabala ang sarili sa pagbabasa ng Holy Bible.

May mga kakilala ako na artista na staycation sa bahay ang drama at inaatupag ang panonood ng mga pelikula na may kinalaman sa buhay ng Panginoon. Nangunguna sa listahan ng kanilang mga pinapanood ang classic movie na The Ten Commandments.

MM mas pinakatahimik

Ang Metro Manila ang isa sa mga pinakatahimik na lugar tuwing Semana Santa.

Walang trapik at hindi magulo ang paligid dahil nagbabakasyon sa malalayong lugar ang karamihan sa mga residente.

Nakaugalian ko na ang manatili sa bahay tuwing Mahal Na Araw dahil may time ako para sa spring cleaning at pagdidispatsa ng mga gamit na hindi na kailangan.

Iskandalo sa eroplano ni Melissa tapos nang pagpiyestahan

Hindi na pinag-uusapan ng mga intrigera ang away ni Melissa Mendez at ng businessman na si Rey Pamaran dahil nagsawa na sila.

Sa true lang, maigsi na ang buhay ng mga intriga at kontrobersya sa showbiz. Pinakamahaba na ang isang linggo dahil naghahanap ng bagong isyu ang mga tao.

Isyu pa ba ang pinakamalaking gulo noong nakaraang taon, ang kaso nina Vhong Navarro, Cedric Lee at Deniece Cornejo? Hindi na!

Hindi na nga nagtatanong ang mga tao sa mga bagong update tungkol sa mga kaso na isinampa ni Vhong laban sa grupo ni Cedric.

Hindi na rin interesado ang publiko sa bangayan nina Sunshine Cruz at Cesar Montano dahil sila na ang napagod sa never-ending feud ng dalawa.

Pinag-aaksayahan pa ba ng panahon ang sigalot ng Barretto sisters at marital woes nina Claudine Barretto at Raymart Santiago? Hindi na rin dahil it’s so yesterday ang sey ng mga vaklush!

Lalong hindi na pinag-uukulan ng pansin ang mga sex video scandal ng mga artista na natabunan ng mga bagong eskandalo. Hindi na rin nila natukoy ang mga tao na responsible sa pagkalat ng kanilang mga sex video.

Mas pinag-uusapan pa nga ang much-awaited fight nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. dahil hindi pa ito nangyayari.

Kung sino man sa kanila ang matatalo, tiyak na pagpipistahan pero sandaling-sandali lang tulad ng nangyari noon sa huling laban nina Papa Manny at Juan Manuel Marquez.

Iba na talaga ang panahon ngayon dahil kasing-ikli na ng lifespan ng career ng mga artista ang interes ng mga Pinoy sa mga showbiz scandal.

vuukle comment

ANG

ANG HOLY WEEK

ANG METRO MANILA

ARTISTA

CEDRIC LEE

CESAR MONTANO

DAHIL

HINDI

HOLY WEEK

MAHAL NA ARAW

MGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with