‘Sa Iyo’ ni Nikki Bacolod humahataw
MANILA, Philippines – Ang latest single na ‘Sa IYO’ ng singer, VJ, actress na si Nikki Bacolod ay regular na ngayong naririnig sa mga local radio stations at humahataw na bilang most requested song. Ang ‘SA IYO’ ay collaboration ng ballad singer na si Nikki & Malaysian Pop at RnB singer na si Min Yasmin.
Ito ang first single mula sa album na 2Voices at tagalog bersyon ng Malaysian song Hilangkanlah, na theme song ng Malaysian hit teleserye Derhaka Seorang Madu TV3.
Si Nikki Bacolod ay dating 2nd runner up ng search For the Star Million at si Min Yasmin ay singer at actress mula sa Malaysia at kilala bilang film, television at drama sound track singer.
Ang ‘Sa Iyo’ ay likha ni Julfekar, HA & Roosevelt T.Itum at produced ni Julfekar , isang sikat na composer at producer mula sa Malaysia at Managing Director ng MillenniumArt Sdn. Bhd. and JULFEKAR Music sa Malaysia.
Ang album na 2Voices ay ni-record sa Kuala Lumpur at Manila at naglalaman ng ibat’ ibang musical genres at recorded sa 3 language (Tagalog, English, at Malay).
Kasama sa album ang 10 songs katulad ng Sa Iyo, Ang Tanging Dasal, Hindi Ka Na Luluha Pa, Laging Nagmamahal sa Iyo, Sayang Naman, Ako’y Babangon Pang Muli, Tuwing Ika’y Kapiling Ko, Di Na Ako Luluha Pa, Yakap ext. Puwede nang mapanood ang music video sa YouTube o visit [email protected].
- Latest