Carla naghimutok sa hirap ng bagong proseso sa pagbabayad sa BIR!
Sinang-ayunan ang post ni Carla Abellana sa Instagram (IG) tungkol sa pagbabago ng sistema sa pagpa-file ng tax sa BIR. Totoo namang nakagugulat ang pinaiiral na bagong sistema na kailangang i-download ang BIR form bago makapag-file.
Mahirap mag-download ng BIR form kung hindi rin lang sa accredit Internet shop ng BIR at mahal ang P150 na bayad ha! Hindi pa kasama rito ang pa-xerox sa maraming pahina ng form. Ang ginamit na hashtags ni Carla ay #dreadedannualtaxseason at #heartattack.”
Sabi ni Carla: “Taxpayers should be given sufficient time to adjust their systems and processes so that they can best comply with the new tax filing requirements. The BIR should also have more than enough lead time to properly conduct a tax information campaign among taxpayers and hear out various taxpayer concerns.
Given this, we need to appeal to the BIR to defer the implementation of these new regulations until after this April 15 tax filing season. At the very least, these should be made optional at this point, rather than mandatory.”
Ang nakaloloka pa, sa April 15 lagi ang deadline, pero one week na walang pasok sa BIR dahil sa Holy Week. Ito ang rason kung bakit mahaba ang pila sa filing ng tax after Holy Week. Isama pa ang matataray na tao sa Internet shop, dusa talaga!
Anyway, wala pang linaw kung anong soap at kung sino ang makakapareha ni Carla sa bagong show. Kung pakikinggan ang request ng fans, si Tom Rodriguez pa rin ang gusto ng fans na makatambal ni Carla.
Mikael at Andrea may gagawing drama series sa Cambodia
Sa April 20 na ang alis nina Mikael Daez at Andrea Torres pa-Cambodia para mag-shoot ng drama series na co-production ng GMA-7 at Cambodian Network. Kilala pala ang magka-love team sa Cambodia dahil pinalalabas doon ang mga serye na pinagtambalan ng dalawa.
May pamagat na Blood in Dispute ang drama series to be directed by a Cambodian director.
Hindi pa alam kung sino ang Pinoy at Cambodian actors na makasasama sa cast ng dalawa, pero kahit sino ang makatrabaho ng dalawa, welcome na welcome sa kanila.
Hindi mami-miss ng kanilang fans sina Mikael at Andrea habang nasa Cambodia sila dahil patuloy silang mapapanood sa Bubble Gang na advance ang taping. Mag-a-advance rin tiyak ng taping si Mikael para sa Midnight Express segment niya sa Saksi.
Coney Reyes hinusgahan sa social media
Hindi pala kilala ng dating aktor na si Roger Calvin si Coney Reyes? Ito ang nabasa namin sa post ng dating aktor sa Facebook ni Amalia Fuentes, kung saan, pinag-usapan si Coney. Tanong ni Mr. Calvin, “Sino naman ‘yung Coney Reyes na ‘yan? Hindi ko yata siya kilala?” at sinundan pa ng tanong na “TV personality ba siya?”
Hindi kagandahan ang sagot ng sumagot kay Mr. Calvin patungkol kay Coney, kaya hindi na namin isinulat. Ang ending ni Mr. Calvin ay “Beware of those so called religious people.”
Binisita namin ang FB ni Coney, pero wala itong reaction na pinag-uusapan siya sa social media, pero siguradong nakarating na ito sa kanya. Knowing Coney, hindi na ito sasagot. Hay, sana nga matapos na ang isyung ito.
- Latest