^

PSN Showbiz

Coco enjoy sa pagiging pilyo

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Sa Black Saturday ay palabas na sa mga sinehan ang pelikulang You’re My Boss na pinagbibidahan nina Toni Gonzaga at Coco Martin. Masaya raw si Coco na sa kauna-unahang pagkakataon ay nakagawa siya ng isang romantic-comedy ang tema at nakatambal niya ang aktres. Para kay Coco ay masarap sa pakiramdam na alam niyang makapagpapasaya siya ng mga manonood. “Masarap din ‘yung uuwi ka sa bahay at naka­ngiti ka lang. Lalo na ngayong may pinagdaraanan ‘yung bansa natin, may iba’t ibang problema. Sabi ko nga this time, masusubukan ko na ako naman magpapangiti sa mga tao. Dati kasi ako lagi kasi ang nagpapaiyak at nagpapagalit sa kanila eh,” nakangiting pahayag ni Coco.

Ngayon lamang din daw na­ranasan ng aktor na makaga­wa ng isang pilyong karakter. “Merong time na nagkapalit kami (ng ka­rakter ni Toni) na this time kaila­ngan maging boss ako. So ginawa binilhan niya ako ng damit kasi sinusuot ko ‘yung mga bulaklakin. So sabi niya, ‘Ito ‘yung isusuot mo.’ So nasa kotse ako, so walang tint ‘yung sasakyan sabi niya, ‘Suotin mo na ‘yan, hindi kita titingnan,” kwento ni Coco.

Jay-R mas takot kay Jed kesa kina Sharon at Gary

Aminado si Jay-R na nakararamdam na siya ng tensyon sa pagitan ng mga kasamahang celebrity contestants ng programang Your Face Sounds Familiar. Todo-bigay kasi ang bawat katunggali ni Jay-R sa nasabing kumpetisyon.

“Napansin ko lang na kapag mababa score ko, sisimangot si Nyoy (Volante). Or kapag may nakuha ako na rock icon, kunwari si Bamboo na gusto rin pala gawin ni Tutti (Caringal), sasabihin niya dapat sa kanya na lang. Mga gano’n ‘yung tension sa amin, competitive talaga, ” pagbabahagi ni Jay-R.

Ayon pa sa singer ay kinakabahan daw siya sa mga kasamahang magagaling na posibleng tumalo sa kanya.

“Si Melai (Cantiveros) at si Nyoy. Si Melai kasi nakakatawa siya at nakukuha niya lagi attention sa performances niya. Tapos si Nyoy very versatile, he can do anyone,” pagtatapat ni Jay-R.

Miyembro ng jury para sa nasabing palabas sina Sharon Cuneta, Jed Madela, at Gary Valenciano. Inamin din ni Jay-R na natatakot siya kay Jed bilang juror.

“Si Jed kasi siniseryoso niya. Parang ‘di mo alam kung ano ang sasabihin niya after each performance eh. Si Ms. Sharon and Kuya Gary, naka-smile sila palagi kaya medyo relaxed sila tingnan while performing,” kwento ni Jay-R.

Samantala, malaki ang pasasalamat ng singer sa lahat ng tagahanga na patuloy na sumusuporta sa kanya sa Your Face Sounds Familiar at sa tumangkilik sa kanyang bagong album.

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

COCO MARTIN

GARY VALENCIANO

JAY

JAY-R

JED MADELA

MS. SHARON AND KUYA GARY

NIYA

NYOY

SI MELAI

YOUR FACE SOUNDS FAMILIAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with