^

PSN Showbiz

Kris umaasang may makikilalang lalaki sa kasal ng anak ng Malaysian Prime Minister

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Si Kris Aquino na lang ang ipinadala ni President Noynoy Aquino sa Malaysia para du­malo sa kasal ng anak ni Malaysia Prime Minister Najib Razak na si Nooryana Naywa. Umalis noong Huwebes si Kris para sa wedding ceremony bukas, March 28.

Sa Sunday ang balik nina Kris na isinama ang mga anak na sina Josh at Bimby para muli silang makapag-bonding na mag-ina.

Natuwa si Kris na siya na lang ang dadalo dahil baka raw natakda siyang makakilala ng kanyang magiging boyfriend.

Ryan hindi nahirapang magpakababae

Sa April 10 pa ang birthday ni Ryan Agoncillo, pero advance siyang nag-celebrate ng birthday sa set ng Ismol Family noong Martes na last taping day nila para sa third season ng family sitcom. Next month, after Holy Week ang resume ng taping.

Samantala, gandang-gandang kami kay Ryan sa pictures na in-email ni Noel Ferrer kung saan, ayos babae siya para sa Lenten episode ng Eat...Bulaga. Gagampanan ni Ryan ang role ng isang bading na kontesera sa mga beauty contest ng mga bading sa episode na Pinagpalang Ama.

Sabi ni Noel, ang peg ni Ryan sa role niya sa episode ay si Miss Jamaica ng Miss Universe 2015. Komportableng gumanap na beki si Ryan kaya walang naging problema si Director Joyce Bernal.

Gaganap na tatay ni Ryan ang idol niyang si Joey de Leon at isa sa nagbigay ng challenge sa kanya dahil idol niya ito. Kasama rin sa episode si Jose Manalo na mahusay ding aktor.

Wish ni Bianca tinupad ng TV5!

Pinu-promote na ni Bianca King sa Instagram (IG) ang bago niyang show sa TV5, ang showbiz talk show na Showbiz Konek na Konek. Isa sa mga nag-congratulate kay Bianca ang mom niyang based sa Canada. Natupad na raw kasi ang dream ni Bianca na maging talk show host.

Naalala naming nabanggit ni Bianca sa presscon ng Mac & Chiz na dream niyang magkaroon ng talk show at cooking show. Well, nauna nang ibinigay ng TV5 ang talk show, baka susunod na nito ang pinapangarap niyang cooking show.

Monday to Friday, simula sa April 6, ang airing ng Showbiz Konek na Konek na ilalagay sa morning block ng TV5.

Kasama dito ni Bianca sina IC Mendoza at Mj Marfori. Fresh ang tandem nilang tatlo dahil ngayon lang sila magkakasama.

Matet tuloy ang trabaho kahit mangangana

Puro pala babae ang anak ni Matet de Leon, kaya relate na relate siya sa role niya sa InstaDad ng GMA-7 na tita ng tatlong babaeng anak ni Gabby Eigenmann sa story. Hindi siya mahihirapang umarteng papapel na ina ng tatlo dahil puro nga babae ang mga anak nila ng mister niyang si Mickey Estrada.

Kuwento ni Matet sa presscon ng Insta­Dad, may lalaki sana silang anak ni Mickey, pero limang araw lang nabuhay ang baby nang isilang niya year 2005. Ang ipinagbubuntis nilang anak ay babae rin.

May usapan na si Matet at ang staff ng InstaDad kung ano ang gagawin sa karakter niya dahil buntis na nga ang aktres. Napag-usapan na rin ang gagawin sakaling maabutan ang panganganak niya habang nagti-taping pa ang show.

Sa April 5, 4:30-5:30 p.m., ang pilot airing ng InstaDad. Final na raw ito, tingnan natin kundi mababago uli.

Mowelfund 41 years na!

Bukas na, 1-5 p.m., ang 41st anniversary ce­lebration ng Mowelfund at iniimbita ang lahat ng members na dumalo at makisaya. Siguraduhin lang na dala ninyo ang inyong I.D. para makasali sa grand raffle at sari-saring games.

May misa at mayroon ding free medical and dental services. May food at entertainment para sa members. Pati mga anak ng members ay welcome rin, kaya punta na sa Mowelfund Plaza sa 66 Rosario Drive, Cubao, Quezon City.

vuukle comment

ANAK

BIANCA

BIANCA KING

MATET

RYAN

SA APRIL

SHOW

SHOWBIZ KONEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with