^

PSN Showbiz

Julie Ann San Jose bagong host ng Day Off!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang pop superstar ang linggu-linggo nang ma­kakasamang sumubok ng iba’t ibang klase ng trabaho sa long-running reality program ng GMA News TV na Day Off!

Sasabak na agad sa aksyon ang Asia’s Pop Sweet­heart na si Julie Ann San Jose ngayong Sabado, March 7, at papalitan muna nila ng kuwelang si Maey Bautista ang apat na kauna-unahang female rescue divers ng Philippine Coast Guard o PCG mula sa kanilang routine.

Habang bitbit ng Kapuso rising star at guest co-host na si Gabbi Garcia ang Day Off winners sa mall, salon, spa, at iba pa, nag-e-ensayo naman sina Julie Ann at Maey sa barko kasama ang special operations group ng PCG.

Hindi biro ang training dito, ha! Tuturuan sila ng water survival and rescue techniques.  Kasama na rito ang rubber boat capsizing kung saan kailangang baliktarin ng grupo nina Julie Ann at Maey ang sinasakyan nilang rubber boat habang nasa tubig. Isa pang nakalululang activity ang water entry. Dito naman, kailangan matutunan ng future coastguards kung paano tumalon papunta sa tubig mula sa mataas na parte ng barko. 

Bukod dito, kakailanganin din ng dalawang hosts na maglinis at magsilbi sa mga opisyal ng barko.

Nakakakaba at exciting ang adventure na ito! Kayanin kaya ito ni Julie Ann? Abangan sa Day Off ngayong Sabado, March 7, 6:10 PM sa GMA News TV!

vuukle comment

DAY OFF

GABBI GARCIA

JULIE ANN

JULIE ANN SAN JOSE

MAEY

MAEY BAUTISTA

PHILIPPINE COAST GUARD

POP SWEET

SABADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with