^

PSN Showbiz

‘Plano’ ni Julia hindi na nakaka-shock!

Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Marami ang hindi na na-surprise sa pahayag ni Julia Barretto sa kanyang debut presscon na nag-decide na siyang huwag nang papalitan pa ang legal surname niya na Baldivia.

Ang Baldivia ay ang apelyido ng ama niyang si Dennis Padilla.

Ito ay pagkatapos niyang puntahan ang ama para personal na ibigay ang invitation sa kanyang debut party sa Martes (March 10).

In fairness, walang violent reaction ang netizens sa paha­yag na ‘yon ni Julia dahil ‘yon lang naman talaga ang tamang gawin niya.

Gretchen walang planong siputin ang debut ni Julia?!

Speaking of Julia’s debut party, aabangan ang pagtatagpo roon ng magkakapatid na Gretchen, Marjorie at Claudine Barretto.

Sigurado na raw na a-attend si Claudine sa debut party ng anak ni Marjorie, pero maraming humuhulang hindi sisipot si Gretchen.

Pagbebenta ni Bangs ng painting na worth P300K pinagtaasan ng kilay?!

Maraming nagtaas ng kilay sa pahayag ni Bangs Garcia na nabili ng P300,000 ang isa sa paintings na ginawa niya.

Ang pagpe-painting ang isa sa talents ni Bangs.

Kung maraming nagtaas ng mga kilay sa press release na ‘yon, marami naman ang nagalak sa ba­litang noong November pa pala nag-break sina Bangs at Phil Younghusband.

Maraming fans si Phil ang hindi agree sa relas­yon nila ni Bangs.

Compatibility issues ang sinabing dahilan ni Bangs sa break-up nila ng football player at wala raw katotohanang may third party.

Under Viva Artist Management na pala si Bangs at gagawa raw siya ng electro pop album.

Ruffa aligaga sa paghahanap ng murang pasahe sa eroplano

Madalas na sabihin ng inang si Annabelle Rama na gastadura ang anak na si Ruffa Gutierrez.

Pero bilang co-producer ng reality TV series nila sa E! Asia, ang It Takes Gutz to be a Gutierrez, medyo mahigpit sa budget si Ruffa.

Nasa lugar naman ang paghihigpit niya, kung ma­kakatipid, mas maganda, pero kung kailangang gumastos, naglalabas naman siya ng pera.

Si Ruffa ang assigned sa pagbo-book ng tickets para sa isang out of the country nila para sa third sea­son ng kanilang reality TV series. In fairness, hindi basta-basta nagbo-book ng flight si Ruffa, check siya nang check kung saang airline may mas murang airfare.

Bilang producer, alam ni Ruffa na hindi puwedeng basta lang siya labas nang labas ng pera dahil kailangan din nilang kumita bukod sa kailangang bumalik ang kanilang puhunan.

Samantala, maraming fans ng pamilya Gutierrez ang excited na sa third season ng It Takes Gutz to be a Gutierrez.

vuukle comment

ANG BALDIVIA

ANNABELLE RAMA

BANGS

BANGS GARCIA

CLAUDINE BARRETTO

GRETCHEN

IT TAKES GUTZ

RUFFA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with