^

PSN Showbiz

Pagbalik ni Aljur sa Kapuso nagkaaberya!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Hindi pa pala ayos ang kaso ni Aljur Abrenica at GMA Network kahit lumabas na ang aktor sa Sunday All Stars last Sunday. Hindi maganda ang tono nang palitan ng statement ng network at lawyer ni Aljur na si Atty. Ferdie Topacio at parang back to square one na naman ang kaso.

Samantala, ikinuwento ni Vin na masaya si Aljur sa pag-apir sa SAS last Sunday. Pag-uwi ng bahay, ang daming kuwento ni Aljur at ikinatuwa ang warm welcome ng staff at mga kasama sa show. Tapos may mababasa kang medyo hindi maganda, pero tuloy ang dasal ni Vin na maayos na ang gusot ng kuya niya sa GMA Network para tuloy na uli ang trabaho nito.

Julia nakipag-ayos na rin sa lolo!

Mukhang si Gretchen Barretto lang ang absent sa immediate family ni Julia Barretto sa kanyang debut sa March 10. Nabalitang okay na sina Marjorie Barretto at Mrs. Inday Barretto, mother at lola ni Julia respectively, kaya tiniyak ang pagdalo nila sa debut ni Julia.

Nakita rin namin sa Instagram (IG) ni Julia ang pictures ng maternal grandfather niyang si Mr. Mike Barretto na nag-wacky pose at ang caption ni Julia ay My grandpa is so ado­rable!!!”

Positive ang comments ng followers ni Julia sa picture ng lolo niya sa kanyang IG at ang request ng kanyang followers ay mag-post din siya ng pictures ng lola Inday niya at tita niyang si Claudine Barretto.

Gusto palang malaman ng fans ni Julia kung invited sa debut niya si Raymart Santiago. Close si Marjorie sa former brother-in-law niya at matatandaang nakiramay sila sa burol ng ina nito.

Sef at Andrea pinipigilan pa ring umamin

Isa si Sef Cadayona sa Kapuso talents na pi­nagpala sa rami ng shows. Bukod sa Bubble Gang, Vampire ang Daddy Ko at Sunday All Stars, mapa­panood na rin siya every Saturday sa Sa­ba­do-badoo simula March 14, bago ang Pepito Manaloto.

Ang bongga pa, si Sef ang unang napili ng GMA-7 to host the 15-minute throwback comedy show at nagpa-audition na lang ng magiging co-host niya. Hindi nagbanggit ng pangalan si Sef ng mga nag-audition at ang sabi lang nito, “marami sila,” pero nang si Betong Sumaya na ang sumalang, nakita agad ang chemistry nilang dalawa.

Laughteam ang tawag kina Sef at Betong at para mas click sa viewers, naisip ni Sef na tawagin ang team nilang Setong. Hindi magandang pakinggan, pero sigurado itong mas kakagatin pa ang team-up nilang dalawa.

Si Tata Betita ang director ng Sabado-badoo. Pinaaabangan nito ang segment na mash-up ng different scenes dahil sobrang kuwela at totoong nagkasakitan sila ni Betong.

Hindi pa rin pala umaamin ng diretso si Sef sa relasyon nila ni Andrea Torres, may mga tao yatang pinipigilan pa silang umamin, kaya safe ang mga sagot ni Sef nang aming tanungin tungkol sa GF. Isang copy lang daw ng FHM na cover si Andrea ang kanyang binili dahil required silang mga taga-Bubble Gang. Wala rin daw “I love you” sa dedication nang papirmahan ang magasin kundi generic message na “Thank you for the support” na hindi namin pinaniwalaan.

Yassi aligaga sa rami ng trabaho kahit walang kontrata sa mga network

Bagay na magkapareha sina Vin Abrenica at Yassi Pressman sa episode ng Wattpad presents My Fiancé Since Birth. Kahit walang relasyon ang dalawa, ipinangako ni director GB Sampedro na marami ang kikiligin sa kanila.

Nag-enjoy sa dalawang araw na taping sa Subic sina Vin at Yassi, may kissing scene sila, pero nauna nang nakunan ang kissing scene ni Vin sa dolphin, kaya ang tanong namin sa kanya, sino ang mas masarap halikan si Yassi o ang dolphin?

Sa Monday, March 9 at 9 p.m., na ang airing ng My Fiancé Since Birth na second Wattpad series ni Yassi sa TV5.

Kahit walang home network si Yassi, busy ito sa rami ng work na ibinibigay ng Viva Artist Agency. May movie sila ni Andre Paras na sisimulan sa August at magpo-promote na siya ng single niyang Hush kasama si Nadine Lustre.

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

ANDRE PARAS

JULIA

MY FIANC

SEF

SINCE BIRTH

YASSI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with