^

PSN Showbiz

Nasaan na talaga ang mga kinita: Premyadong aktres nagtatago sa inutangang fans!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kundi ka taga-showbiz at hindi ka pa sanay na makarinig ng mga kuwento ng kalokahan ng isang premyadong female personality ay siguradong sasabihin mo na puro imbento lang ang mga kuwentong ipinatutungkol sa kanya.

Maiisip mo rin, siguro’y galit lang o inggit sa kanyang narating na bilang artista ang mga nagkukuwentuhan, kaya palagi siyang pinagpipistahan.

Pero kung taga-showbiz ka ay hindi na magiging bago sa iyong pandinig ang kanyang mga pinaggagagawa, nasanay ka na kasing makatalisod ng mga kuwento ng kanyang kalokahan, pagtatawanan mo na lang ang kuwento.

Komento ng aming source, “Sino ba naman kasi ang maniniwala na may isang sikat na artistang nangungutang pati sa mga fans niya? Paniniwalaan ba ng mga hindi sanay sa mga ginagawa niya ang kuwentong ganu’n na totoong-totoo naman?

“Malaki ang kinikita niya, hindi naman binabarat ang talent fee niya sa TV at pelikula, pero saan nga ba nauuwi ang mga kinikita niya? Imagine, of all people, sa mga fans siya nangungutang?

“Ano ‘yun? The height na ‘yun ng katsipan, sa totoo lang! Wala na ba kasi siyang ibang mautangan para pati ang mga tagahanga niya, e, inaabala na niya?” tanong-opinyon ng a­ming impormante.

Sa isang malaking selebrasyon ay nangako ang premyadong female personality na darating siya. Pero gabing-gabi na ay wala pa siya. Hindi na umaasa ang mga nang-imbita na darating pa siya.

Pero biglang sumulpot ang babaeng personalidad, natrapik lang daw siya, pero nang mag-imbestiga ang mga nandu’n ay ibang-ibang senaryo ang kanilang nadiskubre.

“Nasa celebration pa ang isang taong pinagkakautangan niya na nangangalampag na sa paniningil sa kanya. Hinintay niya munang makaalis ang taong ‘yun, may source siya sa party na nagbabantay kung nandu’n pa o umalis na ang iniiwasan niyang tao.

“Nakakaloka siya! Napakaliit na nga niya, e, pinaliliit pa niya ang mundo niya!” makahulugang komento ng aming source.

Ubos!

Dating Streetboys member Yexel parang napilayan sa pagkamatay ng kapatid na si Jam

Kay Yexel Sebastian kami umo-order ng mga life-size superhero characters. Nakumpleto namin ang pagbili sa kanya ng Justice League, Marvel characters at iba pang kilalang-kilalang pigura, kinarir na talaga ni Yexel ang linyang ‘yun mula nang bihira na siyang sumasayaw (dati siyang miyembro ng Streetboys).

Pero nu’ng mga huling buwan ay nagpasabi na siya sa amin, maghihinay-hinay muna siya sa produksiyon, dahil mas kailangan ng nakababata niyang kapatid na si Jam Sebastian ang atensiyon nilang mag-ina.

May isang taon ding pinahirapan ng lung cancer si Jam, pumayat ito nang husto, latag na latag na ang kanyang katawan sa higaan. Sa pagpanaw ng YouTube sensation na si Jam ay pilay na pilay ang emosyon ni Yexel, wala na ang kapatid niyang bunso, wala na ang kanyang kakampi.

Sabi ni Yexel, “Hanggang du’n na lang po siguro talaga ang buhay niya. At least po, tapos na ang isang taon ng walang hintuan niyang pakikipaglaban. Alam kung masaya na rin po siya sa kanyang pag-alis dahil dati po, lagi niyang sinasabi sa akin na sana raw, kung mawawala man siya sa mundo, e, huwag ‘yung parang wala lang. Hanggang sa magkaroon na nga po ng Jamich.

“Si Jam po ang tumulong sa akin para makaahon uli, si Jam po ang nagbukas ng pinto para sa YouTube. Si Jam po ang nagpakilig at nagturong magmahal nang tapat, kaya tanggap ko na po ang nangyari sa ka­patid ko.

“Patuloy pa rin po tayong magpasalamat sa kabutihan ng Diyos. Salamat po sa Diyos at kay Jam. May pabaon po siyang magandang alaala sa atin,” pahayag ng kuya ni Jam Fernando Sebastian.

Ang taos-puso po naming pakikiramay sa buong pamilya.

vuukle comment

DATING STREETBOYS

JAM

NIYA

PERO

SI JAM

SIYA

YEXEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with