^

PSN Showbiz

Ellen Adarna sa pagiging single: Inom lang ako nang inom

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Aminado si Ellen Adarna na nahihirapan siya sa kalagayan niya ngayon kasunod ng hiwalayan nila ng non-showbiz boyfriend.

Sinabi ni Ellen na pati ang kanyang katawan ay naaapektuhan na dahil napapadalas ang kanyang pag-inom upang makalimot.

“Since the break up I gained a lot of weight. Inom lang ako nang inom, alis ako every night kasi,” kuwento ni Ellen sa kanyang panayam sa “Aquino & Abunda Tonight” kagabi.

Aniya hindi siya sanay mag-isa dahil tumagal din ng dalawang taon ang kanilang relasyon kung saan magkasama sila sa iisang bahay.

“I'm lonely. E, hindi ako sanay alone.”

Hindi rin itinanggi ng Kapamilya actress na mayroon siyang pagkukulang kaya nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon.

“May mga issues kami na hindi na talaga na-solve. Kasalanan ko rin kasi hindi ko in-address sa kanya 'yong mga problema ko before.”

Samantala, pinabulaan din ni Ellen na ang kanyang leading man na si EJ Falcon ang dahilan ng kanyang pagiging single.

Sa kabila ng mga nararanasan niya ngayon, nais pa rin niya na magkaroon ng baby bago umabot ng 30 anyos, ngunit hindi aniya ibig sabihin nito na lalagay na siya sa tahimik.

vuukle comment

ABUNDA TONIGHT

AMINADO

ANIYA

AQUINO

ELLEN ADARNA

INOM

KAPAMILYA

KASALANAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with