^

PSN Showbiz

Kitchie Nadal napansin ang kasal dahil sa mumurahing gown

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

May masama ba kung ang isang kilalang persona­lidad ay magpasyang magpakasal at ang isusuot niyang wedding gown ay binili lamang niya off the rack sa isang mall, at nagkakahalaga lamang ng P799?

Marami siguro ay magugulat lamang dahil kayang- kaya ni Kitchie Nadal, ang rock singer na nagpasikat ng awiting Huwag na Huwag Mong Sasabihin na mag­pagawa ng isang designer’s wedding gown, pero  wala sa isusuot niya  ang kahalagahan nang naganap na pagpapakasal niya sa isang Ispanyol na nagnga­nga­lang Carlos Lopez na naganap sa Hacienda Isabela  sa  Tagaytay nung February 26 kundi sa pag-iisa ng kanilang mga puso.

Sa rami ng mga kilalang personalidad na nagpapakasal ngayon, makukuha ba ng sikat na rakista ang atenyon ng marami kung nakipagsabayan lamang siya at nakipag-kumpitensya sa pabonggahan ng kasal at damit pangkasal?

Sa ginawa niyang pagpili ng isang simpleng wedding gown sa kanyang kasal, ngayon lahat ay in­teresadong makita kung gaano ba kasimple at ka­ganda ang isang wedding dress na wala pang isang libo ang halaga. Sa kasal niya, walang nakabatid ng halaga ng isinuot niya. Pero nagandahan sila sa ka­buuan ng itsura niya na mas pinaganda pa ng ka­si­­yahan na nadama niya sa pi­ling ng lalaking pinili niyang maging asawa. Maliga­yang bati. Kitchie.

Isabelle Daza, nagsisimula nang magpasikat sa aktingan

Marami ang gugulatin ni Isabelle Daza kapag ipinalabas na ang kauna-unahang  paglabas niya sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya ng Kapamilya Network bukas ng gabi sa ABS-CBN.

Sino ang mag-aakalang makakayang maki­pagsabayan ng anak ng isang Miss Universe sa ma­­tinding drama kahit pa may kasama siyang isa ring ma­­galing na kabataan  na tulad ni Miles Ocampo, at nina Belle Mariano, Althea Guanzon, Snooky Serna, Allan Paule, Ryan Ramos, John Sevilla, Raquel Monteza, Nathan Lopez, at Bea Basa.

Ang kauna-una­hang MMK ni Isabelle ay tung­kol sa magkapatid na Myra (Isa­belle) at Thelma (Miles) na ang samahan ay magkaka­la­mat habang luma­laki dahil sa mga kinim­kim na galit at selosan sa aten­syong ibinibigay ng ka­­nilang mga magulang. Ngunit magbabago ang la­hat nang ma-diagnose si Myra na may malubhang sakit sa bato.

Max hindi na lang basta palaban

Ngayon pa lamang magsisimulang mapano­od ang mga nakakikiliting love scenes nina Geoff Eigenmann at Empress Schuck sa Kailan Ba Tama ang Mali sa GMA Telebabad. Ngayon lang talaga nagtaksil ang character ni Geoff sa kanyang asawang si Amanda na ginagam­panan ni Max Collins na dati nang uma­agaw ng pansin ng manonood sa biglang pagbabago ng kanyang imahe from plain to a sexy wife.

Sa ginawa niyang pagbibilad ng kanyang ka­gan­­­­dahang pisikal sa isang men’s magazine, ang FHM na binigyan pa ng malaking launching na­­­i­­pa­malas ng Kapuso actress na kaya rin  niyang ma­­­kipagsabayan sa maraming aktres hindi lamang sa pa­husayan sa pagganap kundi sa pagandahan ng katawan.

vuukle comment

ALLAN PAULE

ALTHEA GUANZON

BEA BASA

ISABELLE DAZA

ISANG

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with