^

PSN Showbiz

Chiz at Heart nasa mini-honeymoon!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Nag-enjoy ang mga bading sa guest ni Regine Velasquez sa Sarap Diva na sina Rodjun Cruz at Ruru Madrid.

Nagpakita ng kakisigan si Rodjun sa ginawa nilang mga summer activities sa La Mesa Ecopark. Hindi rin nagpahuli si Ruru na nakitaan na rin ng kakisigan kahit bagets pa ito.

PAK: Nag-mini honeymoon daw muna sina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista sa ibang bansa kaya wala rin si Heart sa Startalk bukas.

Sa April daw ay may bakasyon sila uli sa Japan, pero meron munang lakad ang bagong kasal bago nila planuhin ang honeymoon.

Narinig din namin bago raw ang honeymoon, makikipag-usap daw muna ang bagong kasal sa magulang ni Heart. Nandiyan pa rin daw ang ha­ngad nilang magkaayos ang buong pamilya at maging okay na silang lahat.

BOOM : Hindi pa masagot ng abogado ni Dennis Padilla kung ano ang kahihinatnan ng kaso nila sa Petition ng Change of Name na isinumite ni Julia Barretto sa Quezon City Regional Trial Court.

Nabanggit ni Julia na hindi na kailangang palitan ang pangalan niya at dala pa rin nito ang apelyido ni Dennis Padilla.

Ang ibig sabihin ba nito, idi-dismiss na ni Julia ang petition ng change of name?

Sa March 27 dapat ang hearing nila na kung saan didinggin ang Motion to Intervene ni Dennis. Pero dahil sa pagbabati ng mag-ama, malamang na maapektuhan ito.

Sabi ng abogado ni Dennis, hihintayin lang daw niya ang sasabihin ng kanyang kliyente.

Sinubukan naming kontakin ang abogado ni Julia na si Atty. Lorna Kapunan, pero nasa ibang bansa pa ito.

Hindi pa kami sinasagot ng isang associate niya.

                                                                

vuukle comment

CHANGE OF NAME

CHIZ ESCUDERO

DENNIS PADILLA

HEART EVANGELISTA

JULIA

JULIA BARRETTO

LA MESA ECOPARK

LORNA KAPUNAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with