^

PSN Showbiz

Carmina nakipag-tsuktsakan kay Paulo!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Ang ganda-ganda ni Carmina Villaroel sa presscon ng Bridges of Love suot ang Kate Spade na bumagay sa kanya. Very thankful ito sa ABS-CBN at Star Creatives dahil isinama siya sa cast ng series na magsisimulang umere sa March 16.

Ginagampanan ni Carmina ang role ni Alexa Meyers na makakarelasyon ni Edu Manzano, pero minamahal ang anak nitong si Paulo Avelino. Hindi pa raw niya nagagawa ang ganitong klaseng role, kaya excited at natsa-challenge siya nang husto.

Ang tsika, may love scene sina Carmina at Paulo, kaya nasabi ng aktres na daring role ito para sa kanya. Kundi naawat si Carmina, magkukuwento pa sana sa kanyang role, pinigil lang siya ng staff.

Dagdag pa nito, wala siyang peg sa pagganap sa role ni Alexa at nang i-offer sa kanya, tinanong niya ang sari­li kung kaya ang role at dahil gusto niyang i-challenge ang sarili, tinanggap niya ito.

Isa ang role ni Carmina sa original cast dahil from the start, sa kanya na ipinagkatiwala ang karakter ni Alexa na isang babaeng motivated by love. Sina Paulo at Maja Salvador, parehong hindi first choice sa kani-kanyang role.

Nakita namin sa Instagram (IG) ni Carmina na kinahapunan, pagkatapos ng presscon ng Bridges of Love, sumama siyang mag-bike kay Zoren Legaspi sa Camp Aguinaldo. Very proud ito na for a first timer, naka-two rounds siya sa pagba-bike.

Rap kontra uling pag-asawahin si Lorna

Kabilang sa cast ng Pari ‘Koy si Rap Fernandez na natutuwa dahil hindi siya nababakante at tuluy-tuloy ang show sa GMA-7. After ng Hiram na Alaala, ilang linggo lang siyang nagpahinga at balik-taping na para sa Pari ‘Koy.

Bad guy ang role ni Rap, hench­­man siya ni Gabby Eigen­mann at siya ang gagawa ng dirty works ni Gabby. Parang si Dustin Hoffman sa Rain Man ang role ni Rap, mentally challenged, pero mahusay sa numbers. Big challenge kay Rap ang karakter ni Sol Castillo at wish nitong hindi niya ma-disappoint si director Maryo J. delos Reyes at mga makakaeksena.

Kung si Rap pala ang masusunod, ayaw na niyang mag-asawa uli ang mom niyang si Lorna Tolentino. Hindi raw niya ma-imagine na mag-aasawa uli si LT, masaya naman daw itong mag-alaga sa apong si Tori na anak ni Rap. Pero nagpasubali na kung may dumating na right guy para sa ina, baka puwede.

Samantala, nagulat si Rap sa nangyari kay Vice Governor Jolo Revilla na hindi man niya close, nakasama niya sa ilang okasyon dahil close ang pa­rents nito sa parents niya lalo noong buhay pa ang amang si Rudy Fernandez.

Ayaw niyang mag-comment da­hil hindi niya alam ang buong pang­yayari, pero ang tingin niya kay Jolo ay malakas at stable, kaya hindi makapaniwalang self-inflicted wound ang sugat nito.

Iya hindi type ni Marian makasama sa serye?!

Nakapag-storycon na ang new soap ni Marian Rivera na Rich Man’s Daughter, pero wala sa sto­ry­con at wala rin ang pangalan ni Iya Villania sa cast. Nang wala pang storycon, matunog ang pa­nga­lan ni Iya na kasama siya sa soap, pero nang ma­­kapag-presscon waley siya sa cast. Ano kaya ang nangyari?

Sa pinirmahang kontrata ni Iya sa GMA-7, three shows ang gagawin niya sa network, pero sa Sunday All Stars at Taste Buddies pa lang siya napapanood. Hindi pa siya nabibigyan ng soap na matagal na niyang gustong gawin.

Si Glaiza de Castro ang makakapareha ni Ma­rian na special request nito dahil kaibigan niya at kom­portable siya rito. Kasama rin sina Katrina Halili, Sheena Halili, at Pauleen Luna na bongga kung makakarelasyon ng karakter ni Marian sa serye.

vuukle comment

BRIDGES OF LOVE

CARMINA

IYA

NIYA

RAP

ROLE

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with