^

PSN Showbiz

Heart natawa lang kay Jericho Evangelista!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Natawa na lang si Dingdong Dantes nang napansin ng mga reporter na ang pangalan niya sa Pari Koy ay si Jericho Evangelista.

Talagang may konek kay Heart Evangelista ang ginamit na pangalan sa kanyang karakter. Hindi naman ito napansin ng GMA Primetime King.

Nag-react ang fans nila, pero hindi na lang siguro ito gawing isyu pa.

Nakarating nga ito kay Heart, at natawa na lang daw siya, at wala naman daw siyang dapat ika-react diyan.

Sa Lunes, March 9 na magsisimula ang Pari Koy na inspirational ang dating sa mga manonood.

PAK: Hindi na nagkomento si Dondon Monteverde sa isyung may tampo si Dingdong Dantes sa kanya dahil hindi ibinigay sa kanya ang movie project na Ponzi na napunta kay John Lloyd Cruz.

Nabasa ni Dingdong ang script ng naturang project at gustung-gusto raw pala niya itong gawin.

Sinabi raw niya kay Dondon na sa kanya ibigay iyun, pero ang ending kay John Lloyd naman binigay.

Kaya halatang masama ang loob ng aktor sa sagot niyang next time daw ay magiging maingat na siya sa mga nakaka-deal niya.

BOOM: Medyo nakahinga na ng maluwag ang pamilya Revilla dahil medyo okay na raw kalagayan ni Jolo Revilla na nasa hospital pa rin.

Dumaan ito sa CT scan kamakalawa ng gabi. Pero wala pang inilabas na resulta. Pero medyo ok na raw si Jolo at sana tuluy-tuloy na ang paggaling nito.

Hindi na rin humingi si Sen. Bong Revilla ng permiso sa Sandiganbayan para madalaw uli ang kanyang anak.

Ayaw na lang daw niyang sabihin ng iba na inaabuso nito ang nangyari kay Jolo. Pero malungkot pa rin si Sen. Bong at mabuti na lang patuloy siyang dinadalaw ng mga kapatid at mga malalapit na kaibigan.

vuukle comment

BONG REVILLA

DINGDONG DANTES

DONDON MONTEVERDE

HEART EVANGELISTA

JERICHO EVANGELISTA

JOHN LLOYD

JOHN LLOYD CRUZ

JOLO

PARI KOY

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with