^

PSN Showbiz

Female personality kinakarma na, pinaasa at pinaglaruan ang ex!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kapag naririnig namin ang piyesang How Did You Know ay agad na bumabalik sa aming alaala ang dalawang pampublikong personalidad. Isang lalaki at isang babae. Malayo ang agwat ng kasikatan ng babae sa lalaki.

Pero pareho silang popular. Hindi rin nagkakalayo ang linyang kinabibilangan ng kanilang mga pamilya. Serbisyo-publiko.

Dumating sa buhay ng babae ang lalaki sa isang panahong bagsak na bagsak ang kanyang emosyon. Kahihiwalay lang nila ng isang pamosong male personality at napakasakit ng naging paghihiwalay nila dahil lumikha ‘yun nang matinding kontrobersiya.

Parang hindi mabubuhay ang babae nang wala siyang karelasyon. Ang pakahulugan niya sa lovelife ay basta may nagmamahal lang sa kanya at nagbibigay ng atensiyon, tapos!

Naging magkarelasyon sila, sinusundo pa ng lalaki ang babae sa kanyang trabaho, panay-panay ang pagbati niya sa lalaki sa kanyang mga programa.

Ilang buwan lang pagkatapos ay napag-isip-isip ng babae na hindi naman pala niya mahal ang lalaki, parang pinaglaruan lang niya ang puso nito, kung kailan naman lumalim na ang pagmamahal sa kanya ng lalaki ay saka pa niya ito basta iniwan.

Isang gabi ay uminom nang uminom ang lalaki, habang panay-panay ang pagtungga nito ng inuming nakapagpapadulas ng dila at nakapagpapakapal ng mukha ay pinatutugtog nito ang piyesang How Did You Know, ang nang-iwan na babae pa raw ang pumili ng kantang ‘yun para maging theme song nila.

Maligaya na ngayon ang lalaki sa piling ng kanyang aktres na misis, may mga anak na sila, habang ang babae ay malungkot na malungkot ang buhay ngayon dahil siya naman ang iniwan ng kanyang boyfriend.

Ubos!

Sen. Bong nagpapasalamat sa Sandigan

Limitado lang ang panahong ibinigay ng Sandiganbayan para sa pagdalaw ni Senador Bong Revilla sa kanyang anak na nakaratay sa Asian Hospital. Limang oras lang pero kung ang pamilya ang tatanungin ay katumbas na ng langit ang maigsing panahong ipinaubaya ng hukuman para magkita ang mag-ama.

Ipinagpasalamat nina Senador Bong at Congresswoman Lani Mercado ang pang-unawang ipinagkaloob sa kanila ng Sandiganbayan. Hindi simple ang pinagdaraanan ni Vice-Governor Jolo Revilla. Buhay na ng mas nakababatang aktor-pulitiko ang nakasangkalan ngayon.

Madalas kaming dumalaw kina Senador Bong at Senador Jinggoy Estrada sa PNP Custodial Center. Nakabuburyong ang buhay nila du’n. Bukod sa napakainit na dahil hindi naman sila pinayagang magpakabit ng aircon ay kakapiraso lang ang mundong iniikutan nila.

Silang dawala lang ang palaging magkausap, sumasaya lang sila nang panandalian kapag may mga kaibigan silang dumadalaw, pagdating nang gabi ay silang dalawa lang uli ang naiiwan sa kanilang piitan.

Ramdam namin ang emosyon ni Senador Bong, wala siyang magawa sa sinapit ng kanyang anak, gustung-gusto niya itong yakapin para man lang mabawasan ang sakit na pinagdaraanan nito pero paano niya magagawa ‘yun kung nakakulong naman siya?

Salamat, sabi ng mag-asawa, dahil buhay si Jolo. Salamat, dahil pinagbigyan ng hukuman ang kanilang hiling na magkita ang mag-ama, malaking-malaki ang magagawa nu’n dahil iniidolo ni Jolo ang kanyang ama.

vuukle comment

ASIAN HOSPITAL

BABAE

CONGRESSWOMAN LANI MERCADO

CUSTODIAL CENTER

HOW DID YOU KNOW

ISANG

KANYANG

LALAKI

LANG

SENADOR BONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with