^

PSN Showbiz

CT scan ni Jolo maganda ang resulta!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Bumubuti na uli ang kalagayan ni Jolo Revilla kaya inilipat na siya sa regular private  room mula sa ICU ng Asian Hospital and Medical Center.

Nataranta ang lahat nang sumuka ng dugo si Jolo noong Martes at magkaroon siya ng abdominal distention.

Maganda ang resulta ng CT scan kay Jolo kaya wala nang reason para hilingin ni Bong Revilla, Jr. sa Sandiganbayan na payagan uli siya na dalawin sa ospital ang kanyang anak.

Mga doktor ng asian hospital nataranta

Witness ako sa pagkataranta ng lahat noong Martes bago dumalaw si Bong kay Jolo dahil napansin nga ang paglaki ng tiyan nito at ang pagsusuka niya ng dugo.

Pabalik-balik sa kuwarto ni Jolo ang kanyang mga doktor na nagkaisa sa kanilang opinyon na isailalim siya sa CT scan para matukoy ang pinanggagalingan ng paglaki ng tiyan niya na unang napansin ni Jodi Sta. Maria.

Yaya ni Jolo iyak nang iyak

Nakakaantig talaga ng damdamin ang pagkikita nina Bong at Jolo kaya hindi napigilan na mapaiyak ng mga tao sa paligid.

Iyak nang iyak ang yaya ni Jolo na nag-alaga sa kanya mula noong bata pa siya. Hindi na nakapag-asawa ang yaya ni Jolo dahil iniukol nito ang panahon sa pag-aasikaso sa kanyang alaga.

Mga pulis na nakabantay sobrang higpit

Totoo na mahigpit ang mga pulis na nakabantay sa Asian Hospital and Medical Center.

Hindi sila nagpapapasok ng mga bisita na walang permiso mula sa Revilla family. Mahigpit sila kahit sa mga TV reporter na kilala.

Nagkataon na nagpunta si Mario Dumaual ng ABS-CBN sa Asian Hospital and Medical Center noong Martes dahil may dinalaw siya na kamag-anak.

Nang sumakay si Mario sa elevator, sinundan at binantayan siya ng mga pulis. Tiningnan nila ang hospital floor na pupuntahan ni Mario.

Neil Perez maraming ka-level sa mga kapulisan

Nanibago ako sa mga pulis na nakita ko sa ospital dahil matatangkad, matitikas ang kanilang mga katawan at  hindi malalaki ang mga tiyan nila.

May mga pulis pala tayo na ganoon ang mga itsura kaya nag-wonder ako kung saan sila nakatago o naka-destino?

Hindi pala nag-iisa ang Mister International na si Neil Perez dahil marami pa ang klase ng mga pulis na kagaya niya na puwedeng isabak ng PNP sa mga international contest for men.

Jodi hindi maepal, hindi nakikinig ‘pag may importanteng usapan

Type ko si Jodi Sta. Maria dahil hindi siya maepal. Si Jodi ang unang nabungaran ko nang pumasok ako sa hospital room ni Jolo.

Bilang girlfriend ni Jolo, alam ni Jodi kung saan siya lulugar at kapag may ibang mga bisita na dumarating at na-feel niya na may importante na pag-uusapan, kusa siya na lumalabas mula sa kuwarto. Ipinapatawag pa siya ni Lani Mercado para bumalik sa loob.

Type na type ko ang pagiging prim and proper ni Jodi na isang ideal mother dahil saglit siya na umalis sa ospital para sunduin sa school ang kanyang anak na si Thirdy.

Nakita ko sa personality ni Jodi ang katauhan ni Lani na mapagmahal at responsible na ina at asawa. Botong-boto ako kay Jodi para maging lifetime partner ni Jolo.

Heavy traffic...

Nakisakay ako sa service van ng Startalk nang magpunta ang crew sa Asian Hospital and Medical Center para i-cover ang pagdalaw ni Bong kay Jolo.

Tama ang desisyon ko na sumabay sa service van ng Startalk dahil malayo ang ospital na lalong pinalayo ng heavy traffic.

Sumakit ang katawan ko sa biyahe at sinisisi ko ang trapik at ang malayong distansya ng Quezon City at Muntinlupa City. Para na akong high-ranking government official na hindi nawawalan ng sisisihin.

vuukle comment

ASIAN HOSPITAL AND MEDICAL CENTER

BONG REVILLA

DAHIL

JODI

JODI STA

JOLO

NEIL PEREZ

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with