^

PSN Showbiz

Julia gagamitin ang debut para ayusin ang pamilya

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naniniwala si Julia Barretto na ang purpose ng kanyang bonggang debut sa March 10 sa Rizal Ballroom ng Makati Shangrila Hotel ay ang pagkakasundu-sundo ng lahat. “I want to believe that that’s the purpose of my debut,” sabi ng young actress kahapon.

At alam na natin ang ibig sabihin nito. Nauna na ang pakikipag-ayos niya sa amang si Dennis Padilla nang puntahan niya sa dressing room habang nagti-taping ng Deal or No Deal last week.

Personal niyang inabutan ng invitation ang amang ko­medyante na nagkaroon ng matinding isyu nang ipatanggal niya ang apelyido nito sa korte. Sinundan pa ‘yun ng umano’y pang-iisnab niya sa ama nang minsang magkasama sila sa isang Christmas party.

Pero nang tanungin si Julia kung ano nang mangyayari sa pagpapatanggal niya ng apel­yido ng ama ngayong nagkaayos na sila: “I feel that no need to change my name,” pahayag ng young actress sa ginanap na presscon para sa kanyang debut special Just Julia Beautiful @18 na eere sa Sunday Special ng ABS-CBN.

At nang tanungin siya kung totoo ba ang sinasabi ng iba na ginamit lang niya ang pakikipagbati sa ama para pang-damage control dahil naging nega ang image niya:  “Paano nila naisip ‘yun. Hindi totoo ‘yun.” Ginawa lang daw niya ang gusto niya bilang anak.

Bukod kay Dennis, invited din ang mga tita niyang sina Gret­chen at Claudine na common knowledge na may away din sa isa’t isa. Pati ang lolo at lola niya sa parehong side, invited din. “Lahat po sila invited,” pakli niya.

“I can’t force anything to happen. Parang hindi naman tama na magpilit ng tao. It’s my special day, I want everybody to be there. If that’s the reason kung bakit magkakaayos ang lahat, then good,” she added na klinaro rin na wala siyang inggit sa magandang takbo ng career ni Liza Soberano matapos mag-click ang Forevermore.

Sa teaser na ipinakita ng Just Julia kasama sa mga nagbigay ng message for Julia ang kanyang tita Claudine. Ayon sa young actress, first time niyang nakita ang nasabing interview ni Claudine at excited siyang makita ang full interview ng kanyang tita na tinawag siyang “my Julia.”

Maaalalang na­ging matindi ang naging bangayan ng kanyang tita Claudine laban sa kanyang mommy Marjorie at Tita Gretchen na ngayon ay hindi rin kasundo ng kanyang ina. Mas kinampihan noon nina Gretchen at Marjorie si Raymart Santiago at nagkaroon pa ng insinuation na sira ulo at may history ng drugs si Claudine.

Pero ang latest ay nagkaayos na raw ang kanyang mommy Marjorie at si Claudine at si Gretchen na lang ang hindi kasundo ng dalawa. Pero hindi nag-comment ‘yung actress tungkol dito.

Anyway, Michael Cinco gown ang susuutin ni Julia sa kanyang debut na gray and silver ang theme.

Ayon kay Julia never n­iyang naisip na magkaroon ng malaking debut. Pero nagbago ang isip niya.

“With all honesty, I ne­ver dreamt of having a debut. I never thought that I will have kasi I just want to travel on my birthday. Actually my original plan was to have a short break to travel around Europe. I really want to go around Europe,” she said.

Samantala, 19 at hindi 18 candles ang magaganap sa party.

Definite na ang amang si Dennis ang first dance at si Iñigo Pascual ang last dance sa 18 roses.

Ang TV special ng nasabing debut, Just Julia, Beautiful @ 18 ay mapapanood sa March 29.

vuukle comment

AYON

CLAUDINE

DEBUT

DENNIS PADILLA

JULIA

JUST JULIA

KANYANG

NIYA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with