^

PSN Showbiz

Kung tatakbo sa mas mataas na posisyon, Edu gusto munang makita ang plataporma ni Ate Vi

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Certified Kapamilya na uli si Edu Manzano. Isa siya sa mga bida ng teleseryeng papalit sa Two Wives, ang Bridges of Love, kasama sina Jericho Rosales, Maja Salvador, Paulo Avelino, and Carmina Villaroel.

Matagal-tagal ding nawala ang actor/TV host sa Kapamilya Network. Pero nang matapos ang kontrata niya sa TV5, tinanggap niya uli ang trabaho sa ABS-CBN.

Actually, hindi ito ang una niyang project sa ABS-CBN dahil nakasama na siya sa pelikulang Halik sa Hangin na ipinalabas lang kamakailan. Gumanap siyang masungit na stepdad ni Julia Montes. Pero parang hindi  sila pinag-promote.

But anyway, ngayon ay gusto na niya uling magtagal sa dating network na pinaglingkuran niya.

Nabanggit din ni Edu sa interview after the presscon of Bridges of Love yesterday na decided na raw ang anak na si Luis na hindi na kumandidato sa Batangas.

“I think, he decided na hindi. It’s hard also na you run for elected office and then, nakikita ka araw-araw sa telebisyon. Especially sa local government, mahirap ang local government, pisikal, kailangang nandodoon ka para sa kanila,” katuwiran ng aktor na ngayon ay isa sa mga owner ng mga sikat na restaurant sa Makati kabilang na ang Black Sheep at Lucky Rainbow Seafood Restaurant.

Pero wala namang isyu sa kanya in case na tumakbo sa mas mataas na posisyon ang nanay ni Luis na si Gov. Vilma Santos.

“She’s entitled to do anything she wants, you know, but also at the same time, these are very sensitive times, you know, lalo na ‘yung 2016, I think we should take our vote very seriously,” sabi ng aktor.

Kaya kailangan daw munang makita niya ang plataporma  ni Gov. Vi at saka lang siya makakapag-decide kung iboboto ang ex wife.

Magsisimulang mapanood sa March 16 ang Bridges of Loves.

Jericho napabilib sa galing gumiling ni Maja

Kahit may asawa na si Jericho Rosales, aminado ang aktor na ibang klase ang kaseksihan ni Maja Salvador lalo na sa eksenang sumasayaw ito sa isang club.

Kaya raw talagang lahat sila nagpalakpakan after eksenang ‘yun ni Maja sa BOL. “Nagamit ni Maja ang skills niya sa pagsasayaw. Edgy talaga ‘yung role at ginawa niya.  Whole new thing,” sabi ni Echo.

Na sinegundahan pa ni Direk Richard Somes na ‘Maja rocks.’

Role ng isang dancer na pag-aagawan ng magkapatid -  Jericho and Paulo Avelino – iikot ang kuwento ng bagong teleserye.

Pero ayaw namang ikumpara ni Maja kay Gov. Vilma Santos sa pelikulang Burlesk Queen kung saan isang dancer din ang ginampanan ni Ate Vi.

Dingdong hindi na rin kakandidato

Kung wala nang plano si Luis Manzano na kumandidato, ganito rin ang naging desisyon ni Dingdong Dantes.

Mas priority niya ngayon ang binubuo nilang pamilya ng misis niyang si Ma­rian Rivera.

Say ng aktor sa press launching ng kanyang latest inspirational drama series na Pari Koy, wala na talaga sa plano niya ang kumandidato.

Mas gusto raw niyang magdasal (dahil sa kanyang role) sa Pari Koy.

First time niyang  gumanap na pari. Pero naisip ba niya noon na maging pari talaga? “Hindi talaga,” mabilis na sagot ng aktor.

Gagampanan niya si Father Kokoy better known as Pari Koy who is known for his non-traditional and non-conformist ways of bringing closer to God. He will do anything just to show that it is cool to believe. But his own faith will be put to the test when he is assigned in the parish of Barangay Pinagpala and starts to deal with the people of the community.                                   

vuukle comment

BRIDGES OF LOVE

JERICHO ROSALES

MAJA

MAJA SALVADOR

NIYA

PARI KOY

PERO

VILMA SANTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with