^

PSN Showbiz

Tang Gawing Makulay Ang Buhay promo winner, tinanggap na ang one million

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tinanggap kamakailan ng Tang Gawing Makulay Ang Buhay promo winner ng Radio GMA na si Janice Oandasan ang kaniyang one million grand prize mula kina RGMA President Mike Enriquez at Tang Assistant Brand Manager Lawrence Lorico.

Sinabi ni Oandasan, 29 years old mula sa Tuguegarao at nagtatrabaho bilang food server sa isang ospital, na itatabi niya sa bangko ang kanyang napanalunan para sa pag-aaral ng kanyang dalawang anak at upang magsimula ng isang maliit na negosyo para sa kaniyang pamil­ya.

Lubos ang pasasa­lamat ni Oandasan sa Tang at Radio GMA dahil sa malaking papremyo na ipinagkaloob sa kaniya.

“Sa pamamagitan nito, hindi na namin kaila­ngang problemahin pa kung saan kami kukuha ng pampaaral sa aking mga anak. Nagpapasalamat ako sa Tang at Radio GMA dahil ginawa nilang makulay ang aming kinabukasan,” saad niya.

Namigay din ang Tang Gawing Makulay Ang Buhay ng tig-P3000 sa 300 maswerteng participants sa nasabing Luzon-wide promo na dinaluhan ng 7 RGMA stations.

vuukle comment

JANICE OANDASAN

LUBOS

LUZON

NAGPAPASALAMAT

NAMIGAY

OANDASAN

PRESIDENT MIKE ENRIQUEZ

TANG ASSISTANT BRAND MANAGER LAWRENCE LORICO

TANG GAWING MAKULAY ANG BUHAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with