Hindi pa nakuntento sa pagsalubong sa airport Pacman sinundan ng fans hanggang bahay!
MANILA, Philippines – Hindi nakuntento ang karamihan sa mga sumundo sa Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao noong Saturday night (Sunday lunch time sa atin) sa Tom Bradley International Airport sa Los Angeles, California.
Karamihan sa mga nagpunta sa LAX ay sumunod pa sa bahay ni Pacquiao sa North Plymouth, Los Angeles.
Ayon sa isang malapit kay Pacquiao na si Nick Enciso, isa sa mga sumundo sa LAX sa ating Pambansang Kamao at sumama sa kanya sa bahay, midnight na ay marami pa rin tao roon at inistima naman daw ng mister ni Jinkee Pacquiao.
Umalis na raw si Nick sa bahay ni Pacquiao pero puno pa rin ng tao roon.
“Sa tingin ko, 3:00 a.m. na nakatulog si Manny,” sey ni Nick.
Nang makausap uli ni Nick si Pacquiao noong Sunday, sinabi raw sa kanya ng Pambansang Kamao na maaga itong matutulog dahil noong Monday morning ay magja-jogging pa ito at may training naman sa Wild Card Gym sa Vine St. sa L.A. ng hapon.
Inaasahang dudumugin siya sa nasabing gym. Medyo mahigpit na roon at hindi lahat ng mga dumadalaw ay pinapapasok habang nagte-training ang Pambansang Kamao.
Pero after naman ng training, naglalaan ng oras si Pacquiao para batiin ang kanyang mga tagahanga na nagpupunta sa Wild Card Gym.
Annabelle binitbit ni Eddie sa reunion ng Ina, Kapatid, Anak
Sinamahan ni Annabelle Rama ang mister na si Eddie Gutierrez sa reunion ng cast at staff ng Ina, Kapatid, Anak.
Ayon kay Bisaya, kumpleto ang cast ng nasabing teleserye sa pa-party ng ABS-CBN executive na si Deo Endrinal.
Si Ariel Rivera lang daw ang hindi nakasipot sa kanilang reunion party.
- Latest