^

PSN Showbiz

Anne pang-international na ang ‘singing talent’

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Nakabibilib ang pagiging sport at hindi pikon ni Anne Curtis sa kabila ng napakaraming pagpuna at pamimintas sa ginawa niyang pagkanta. Ba­gaman at may ilan-ilang pumupuri sa ginawa niyang effort sa online video para mabigyan ng hustisya ang kanyang per­formance, mas marami ang hin­di nagandahan sa ginawa niya kaya todo-max ang panlalait na tinatanggap niya.

Pero may halong pagbibiro lamang ang lahat ng ito na kina­kayang tanggapin ni Anne at ipi­nagkikibit-balikat lang. Ang mahalaga sa kanya ay na-feature ang kanyang pagkanta ng Chandelier sa isang sikat na website sa Australia.

Anumang pamimintas ang marinig niya ay balewala, mas mabigat ang pangyayaring meron siyang gaga­wing third album matapos ang mata­gumpay ng kanyang naunang dalawang album na Ambis­yosa at The Forbidden Album.

The Voice winner, naipanalo ng text votes?!

Binigo na naman ako ng isang pa­lig­sa­han sa pag­kanta na text votes ang na­ma­mayani. Kung na-disappoint ako nang hindi makabilang sa finalist ang napa­kagaling na si Arnie Hidalgo na hindi ko ma­lamam kung bakit dinedma ng mga hurado at tele­viewers ang kagalingan niya, wala akong paborito sa mga nakasali ng The Voice of the Philippines, pero hindi ko maiwasan na hindi manghinayang sa mga nangyaring kaganapan. Ayaw ko na tuloy manood ng naturang prog­rama. Hindi ko na tinapos at hinintay ko na lamang ang oras ng Gandang Gabi Vice noong isang gabi.

Jodi hindi naniniwalang kayang magbaril ni Jolo sa sarili

Ano nga kaya ang totoo? Aksidenteng nabaril ni Vice Gov. Jolo Revilla ang kanyang sarili o talagang nagtangka siyang magpakamatay gaya ng paniniwala ng kanyang talent manager na si Lolit Solis? Ang girlfriend niya na si Jodi Sta. Maria na buong pag-aalalang dumalaw sa kanya sa ospital ay naniniwalang hindi ito nagtangkang magpakamatay at aksidente lang ang lahat ng nangyari. Wala nga namang tao na maglilinis ng kanyang baril ang hindi muna aalisin ang bala na nakapaloob dito.

Paolo nagka-pelikula dahil sa ‘kabaklaan’

Unti-unti lumalabas na ang talent na matagal itinago ni Paolo Ballesteros. Noong una ay pag-arte at pagkanta lamang ang maituturing niyang ta­lento. Pero sa Eat Bulaga ay nakitang mayro’n din siyang kakayahan sa paghu-host. Kaya nakasama siya nina Ma­rian Rivera at Christian Bautista sa programa ng una na Marian. Lumabas din ang kahusayan niyang mag-make-up gayahin ang mukha ng maraming sikat na babaeng personalidad tulad nina Lady Gaga, Mariah Carey, MJ Lastimosa, An­gelina Jolie, at marami pang iba. Ang talent na pang­gagaya sa mukha ng maraming kilalang tao ang nagbigay ng pagkakataon sa Dabarkads ng Eat Bulaga na makapagbida sa isang indie film. Ang movie na pinamagatang Die Beautiful ay nakakuha ng tulong mula sa Hong Kong Asian Film Financing Forum para mabuo. Ang APT Entertainment ang executive producer nito at si Jun Lana ang direktor.

vuukle comment

ANNE CURTIS

ARNIE HIDALGO

CHRISTIAN BAUTISTA

DIE BEAUTIFUL

EAT BULAGA

FORBIDDEN ALBUM

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with