^

PSN Showbiz

Bong naiiyak ‘pag pinag-uusapan si Jolo

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Sa Instagram (IG) account na lamang ipinadala ni Manny Pacquiao ang mensahe para kay Jam Sebastian na nakaratay pa rin sa hospital.

May hiling kasi si Jam na sana makadalaw ang ating Pambansang Kamao sa kanya. Kaya lang, kailangan nang umalis ni Manny pa-Amerika, kaya bumati na lang nito na sa social media iparating ang kanyang mensahe.

Aniya: “Jam greetings for you from the Lord Jesus be strong and courageous ang tanging Panginoon lamang ang makapaggusto sa buhay natin sa katawan natin. So, have faith to God.”

Nasa caption din ng post na iyon ang: “Get well soon the Lord Jesus is the only way for healing, restoring everything and the only way of salvation. Nothing is impossible with God.”

PAK: Sobrang natsa-challenge si Marian Rivera sa The Rich Man’s Daughter, ang bagong drama series na gagawin niya sa GMA-7 dahil kakaiba ang role niya rito kung saan nakipagrelasyon siya sa isang tomboy na gagampanan naman ni Glaiza de Castro.

Nagkaroon ng story conference kahapon at medyo kabado na ang GMA Primetime Queen dahil kailangan daw niyang pag-aralan nang husto ang kakaibang role na gagampanan.

Hindi raw kasi siya nakaka-relate dahil hindi pa pala niya naranasang maligawan o pormahan ng isang tomboy.

“Kaya nga sabi ko mahihirapan ako dito at pag-aaralan ko talaga siya,” pakli ng GMA Primetime Queen.

“Sabi ko nga kailangan naming mag-usap ni Glaiza (de Castro), ni Direk (Dominic Zapata) at Ate Suzette (Doctolero) kung paano namin buuin ang mga sitwasyon.”

Pero ang isa raw sa excited sa bagong project niya ay si Dingdong Dantes na magsisimula na rin sa Pari Ko’y.

BOOM: As of presstime, hinihintay pa rin nina Sen. Bong Revilla ang desisyon ng Sandiganbayan na payagan siyang makadalaw kay Vice Governor Jolo Revilla sa Asian Hospital.

Ayaw na munang magsalita ni Sen. Bong tungkol sa nangyari. Ang tanging concern lang niya ay ang kaligtasan ng kanyang anak. Hindi napigilan ni Sen. Bong na maiyak kapag napapag-usapan ito kaya lagi siyang sinasamahan ng mga kapatid niya at mga kaibigan.

Kahapon ay patuloy pa rin ang paghingi ni Cong. Lani Mercado ng dasal na malagpasan ito ni Jolo, dahil tuloy pa rin ang bleeding sa kanyang lungs.

Narito ang kabuuan ng huling medical bulletin mula sa kampo ni Jolo: “Vice Governor Jolo Revilla’s condition is stable. However, he had fever this 5am which indicative of some infection in his body.

“The family is still hoping to transfer him to a regular room this afternoon. Doctor is monitoring output of blood, which looks like its decreasing.”

vuukle comment

ASIAN HOSPITAL

ATE SUZETTE

BONG REVILLA

DINGDONG DANTES

DOMINIC ZAPATA

GLAIZA

LORD JESUS

PRIMETIME QUEEN

VICE GOVERNOR JOLO REVILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with