ZsaZsa at BF naka-isang taon na
SEEN: Iimbestigahan ng PNP NCRPO ang kaso ni Cavite Vice-Governor Jolo Revilla. Naging kumplikado ang isyu dahil sa press statement ni Atty. Raymond Fortun na nabaril ni Jolo ang sarili habang naglilinis ng baril.
SCENE: Kaliwa’t kanan ang pagpapainterbyu ni Atty. Raymond Fortun tungkol sa Jolo Revilla case. Parang na-miss ni Fortun ang limelight.
SEEN: Nag-celebrate kahapon si Zsa Zsa Padilla at ang kanyang boyfriend na si Conrad Onglao ng kanilang unang anibersaryo sa isang posh resort sa Cebu City.
SCENE: Nagsimula na ang birthday countdown ni Gretchen Barretto. Forty-five years-old na si Gretchen sa March 6.
SEEN: Ang protégée ni Sarah Geronimo na si Jason Dy ang grand winner ng The Voice of the Philippines. Hindi makapaniwala si Jason sa kanyang tagumpay.
SCENE: Hindi nakagugulat ang panalo ni Jason Dy sa The Voice Philippines dahil suportado siya ng mga tagahanga ng kanyang mentor na si Sarah Geronimo.
SEEN: Hangga’t mentor si Sarah Geronimo ng The Voice of the Philippines, mahihirapan na manalo ang mga protégée nina Lea Salonga, Bamboo at Apl.d.ap dahil hindi sila mga popular sa masa.
SCENE: Nakakita ng katapat si Sunshine Cruz kay Marimer Hamilton, ang palaban na kapatid ni Cesar Montano na walang pakundangan sa pagsasalita laban sa kanya.
Idinemanda noon ni Sunshine ng libel si Hamilton dahil sa pagtatanggol nito kay Cesar pero nagkasundo rin sila sa bandang huli.
- Latest