^

PSN Showbiz

Dati si Lovi ang biktima... Dingdong pinagmukhang tanga ni Direk Erik!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

I’m sure magagalit si Dingdong Dantes dahil wala siyang kaalam-alam na pinalitan na pala siya ni direktor Erik Matti sa pelikula nilang Ponzi. Mapapahiya ang Kapuso actor at dating co-producer ni Matti sa dalawang The Aswang Chro­nices, ang Tiktik at Kubot dahil marami na siyang napagsabihan at nakuwentuhan ng Ponzi. Sinasabi pa naman ng aktor na pagsasamahan nilang muli ito nina Matti at Dondon Monteverde ng Rea­lity Films.

Ibinigay na pala ng direktor ang role kay John Lloyd Cruz na marahil ay tinanggap ang project dahil wala rin siyang alam na may nauna na sa kanyang pinag-alukan ng role. Inireklamo na rin daw ni Dingdong sa samahan ng mga talent mangers, PAMI (Professional Artists Managers Inc.), ang kanyang hinaing.

Dumarami na ang kaaway ni Matti. Una si Lovi Poe dahil inayawan nito ang Kubot at ngayon naman ay si Dingdong, Tsk. Tsk. Tsk.

Jake hindi nagabayan nang mabuti ni Kuya Germs?!

Alam kaya ni Kuya Germs, manager ni Jake Vargas, na tsikboy ang alaga niya? Ito ang dahilan kaya raw winakasan na ni Bea Binene ang mahi­git sa dalawang taong relasyon nila ni Jake. Second time na raw siyang niloko ni Jake na dati ay si Kuya Germs pa mismo ang nagpa-patch up ng kanilang problema.

Pero ngayong nagpapagaling pa ito, pass muna siya sa kaguluhan ng dalawa na mauuwi pala sa hiwalayan. I’m sure manghihinayang ang Master Showman sa kinahinatnan ng relasyon nila which he could have prevented kung naalalayan lamang niya ang mga ito.

Walang maipapaliwanag si Jake dahil sa social media napatunayan ni Bea ang pagtataksil niya at maging sa marami nilang kaibigan na alam ang relasyon niya sa isang non-showbiz girl. Ayaw ng fans ng ganyan, Jake. Hindi sila papayag na cheater ang idolo nila.

Stable na…

I’m sure ikakabahala nang husto at magdaragdag pa sa problema ng nakakulong na senador na si Sen. Bong Revilla ang pagkakabaril ng anak na si Vice Governor Jolo Revilla sa dibdib na muntik nitong ika­matay. Bagaman at nasa stable condition na ang batang pulitiko, kailangan pa nitong manatili sa ICU para masiguro ang kanyang kaligtasan.

vuukle comment

ASWANG CHRO

BEA BINENE

BONG REVILLA

DINGDONG DANTES

DONDON MONTEVERDE

ERIK MATTI

JAKE VARGAS

KUYA GERMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with