^

PSN Showbiz

Dingdong amoy nang amoy kay Marian; Sen. Bong walang magawa sa nangyari kay Jolo

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Mukhang nakapahinga na ng husto si Ma­rian Rivera nang humarap ito sa press launch ng bagong scents ng Bench na Inner Beauty na gina­nap sa Activity Center ng Trinoma nung kamakalawa ng gabi.

Natutuwa siya dahil type na type daw ni Dingdong ang scent ng Inner Beauty ng Bench.

Masaya raw siya ngayon sa pag-aalaga sa kanyang asawa dahil magiging abala na siya sa mga susunod na araw kapag nagsimula na ang bagong drama series niya na may tentative title na Rich Man’s Daughter.

First time daw niyang gawin ang ganun kalalim na role kaya excited siya. Personal na pinili ni Marian si Glaiza de Castro na gumanap na tomboy na nakarelasyon niya dahil sobrang kumportable raw siya sa aktres nung nagkasama sila sa Amaya at Temptation of Wife.

PAK: Umalis na si Manny Pacquiao patungong Amerika nung kamakalawa ng gabi para simulan na ang ensayo sa laban nila ni Floyd Mayweather, Jr.

Hindi yata nakarating sa ating Pambansang Kamao ang panawagan ng ina ni Jam Sebastian na sana dalawin ni Pacquiao si Jam na nasa hospital pa rin at nakikipaglaban sa kanyang buhay.

Nabanggit ng ina ni Jam sa Startalk na sana raw matupad ang hiling ng kanyang anak na makita man lang sana si Manny. Pero pagkatapos ng laro ni Pacman sa PBA ay tumuloy na ito sa airport para tumulak pa-Amerika.

BOOM: As of presstime ay inooperahan pa si Jolo Revilla para matanggal ang namuong dugo sa kanyang dibdib.

Hindi naman daw ito ganun kadelikado pero hu­mihingi pa rin ng dasal ang pamilya Revilla na malagpasan ito.

Kitang-kita namin ang sobrang lungkot sa mukha ni Sen. Bong Revilla nang di­nalaw namin siya sa Camp Crame kahapon.

Wala naman daw siyang ma­gagawa sa ngayon dahil naka-detain pa rin siya. Kaya ngayong araw ay ma­lamang na mag-file ng motion ang kanyang abugado kung maari’y pa­yagan na makadalaw si Sen. Bong sa hospital.

Hindi muna nagbigay ng anumang statement ang senador. Ang tanging concern lang daw niya nga­yon ay ang safety ni Jolo.

Isa sa mga araw na ito ay maglalabas ang pamilya Revilla ng statement kaugnay sa isyung ito.

vuukle comment

ACTIVITY CENTER

AMERIKA

BONG REVILLA

CAMP CRAME

FLOYD MAYWEATHER

INNER BEAUTY

JAM SEBASTIAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with